Kathryn at Nadine, tuloy na ang tapatan!

Matutuloy ang collab nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre na matagal nang request ng kani-kanyang fans. Hindi nga lang pelikula at lalong hindi pa sa TV magsasama ang dalawang aktres. Magpapatikim muna sila sa kanilang fans dahil sa endorsement muna sila magsasama.
Ang ibang fans, nahulaan na kung anong project ang pinagsamahan nila, pero hihintayin pa rin nila ang official announcement para maging formal ang lahat. Ngayon pa lang, nangako na sila ng suporta at dahil magsasanib ng lakas ang dalawang fandom, mas lalakas ang sales ng conditioner.
Dahil sa collab endorsement, muling sumigla ang panawagan ng fans nila na pagsamahin na sila sa pelikula. Right time na raw para sila ay mapanood sa isang pelikula at mas magandang unahin ang pelikula kesa TV series.
Ang sabi pa nga ng fans, kahit wala silang leading man, kikita pa rin ang pelikula.
Tanong ng fans, ano pa ang hinihintay ng Star Cinema at Viva Films? Gawin na nila ang pelikula nina Nadine at Kathryn.
Archie, may GAG Order
Nagkaharap pala sina Rita Daniela at Archie Alemania at nangyari ito sa arraignment at preliminary conference ng kasong act of lasciviousness na inihain ng Kapuso aktres kay Archie. Nagsumite rin si Archie ng not guilty plea sa kasong isinampa sa kanya.
Sa report ng 24 Oras, pinayagan ng Bacoor City court ang request ng kampo ni Archie na gag order at huwag nang pag-usapan sa publiko ang kanyang kaso. Hindi rin nagkomento si Archie nang subukang interbyuhin tungkol sa inihain niyang counter-affidavit.
Si Rita ang na-interview at sabi nito, “I feel bad. Ako... I know my truths. I know God is with me. Kahit ano ang mangyari at at kahit gaano pa katagal, lalabas at lalabas din ang toto,” pahayag niya.
Sabi naman ng lawyer ni Rita na si Atty. Maggie Abraham, hangga’t maaari, iiwasan na nilang magkita pa ang dalawa. Para raw mapangalagaan ang mental health ng singer-actress dahil hindi pa rin ito okay sa nangyari.
Komento ng netizens, tumanda agad si Archie dahil sa hinaharap nitong kaso na mukhang matagal ang itatakbo.
Tanong ng netizens, ibig bang sabihin nito, walang magbibigay ng project kay Archie habang dinidinig ang kaso niya?
Kapatid ni Dennis, nakisakay sa Uninvited
Sinakyan ni Gene Padilla ang isyung uninvited siya sa wedding ng pamangkin niyang si Claudia Barretto, nagpa-tattoo ito sa kaliwang braso niya ng “Mr. Uninvited.”
Sa sinabi nitong, “Pa-tattoo ko na lang... Ganun din naman... “Mr. Uninvited,” may mga natuwa at may mga lalo pang nainis sa kapatid ni Dennis Padilla. Lalo na at may full video pa ng pagpapa-tattoo nito.
Sinagot din niya ang pamba-bash sa kanya, gaya ng nagsabing dapat sa noo siya nagpa-tattoo para madaling makita. Comment pa ng netizen, pareho sila ni Dennis at parang walang aruga noong lumalaki sila.
Matapang ang sagot ni Gene na matapang lang sa socmed ang netizen pero chismoso naman. Pati ang pagtawag sa kanya ng bobo, sinagot nito. Nakakatawa ang mga sinabi nito na lalong ikinainis ng netizens, ayun nagkasunud-sunod ang pang-aaway sa kanya.
- Latest