Kyline, madamot!
To the rescue ang Sparkle GMA Artist Center kay Kyline Alcantara upang matigil na ang mga sawsawero sa kinasangkutang gulo kaugnay ng nasirang relasyon kay Kobe Paras.
Move on na raw si Kyline sa isyu na mas piniling manahimik at respeto sa mga taong naging parte ng buhay niya.
Saad pa sa statement mula sa Sparkle GMA Artist Center, “She hopes we can all move on and put this issue to rest.” Ganun?
Nung kasagsagan ng landian nila ni Kobe, madamot na siya. Ngayong binasag siya ng nanay ni Kobe na si Jackie Forster, magsasabi siyang move on sa issue. Mas lalo siyang dumamot sa mga taong sumuporta sa kanya mula nung nagsisimula pa lang siya.
Hayan, lumalabas tuloy na si Kyline ang may problema sa pakikipagrelasyon!
Hangga’t wala siyang paliwanag, ganyan ang image niya sa publiko!
Businessman-talent manager, may calling!
All-out na ang businessman-talent manager na si Arnold Vegafria sa pagtakbo bilang mayor ng Olongapo City. Wala nang urungan!
Eh nung tumakbo siya sa kaparehong posisyon last May 2022, hindi pa 100 percent ang puso at isipan niya kaya hindi niya natapos ang kampanya.
But this time, desidido na si ALV, tawag sa kanya, sa pagbabagong gusto niyang gawin sa Olongapo City na noon ay sikat na sikat dahil sa ginawa ng Gordon family.
“Gusto kong mawala ‘yung tawag na Sin City noon. Tuloy pa rin ang mga bar pero ibang image na.
“Saka gusto ko ring maging tourist spot ang Olongapo. Maganda ang beaches namin at marami pang maio-offer. It’s a calling at natutuwa ako sa suporta ng aking artists!” pahayag ni ALV sa entertainment media na nakaharap niya.
Sabi nga, isang calling ang pagpasok sa pulitika kaya naman si Arnold, kahit sinasabihan ng mga kaibigan na sa ibang paraan na lang siya tumulong eh nanaig ang public service at pagbabagong gustong gawin sa Olongapo City!
- Latest