Ala Bella Flores... Kyline, pang-kontrabida ang character

Mukhang may something si Kyline Alcantara.
Bakit every time na nagkakaroon siya ng breakup merong issue.
At lagi na mga nanay ng naging boyfriend niya ang nagsasalita. Para bang hindi nagiging mabuti ang relasyon niya sa mga ito para maging ganun ang mga sinasabi nila.
‘Pag iisa pa lang ang nagsalita ok lang, pero iyang dalawang magkasunod na nanay, parang mag-iisip ka na.
Kung ako si Kyline aayusin ko rin kung ano ang pakiramdam ko na mali sa ginagawa ko.
Eye opener din ang mga sinabi nina Carmina Villarroel at Jackie Forster.
Kahit ano pang sabihin, sigurado ako na may epekto rin ito sa tingin ng tao kay Kyline.
Lalo pa nga na mga nanay na ang nagsalita.
Kahit ano pa ang sabihin para maapektuhan ang isang nanay malaking bagay iyon.
At para sa nanay ng mga lalaki manggaling, mag-iisip ka.
Para tuloy hindi na pang-leading lady si Kyline Alcantara, parang character actress na lang siya dahil sa nangyayari.
Kontrabida ang dating, ayaw ni Bella Flores, hah hah.
Kundi maaayos ito kahit paano apektado rin si Kyline dahil parang lalabas na playgirl siya at bad ang relasyon sa mga future in-laws.
Ayaw iyan ng mga future mother-in-law.
To think na mga pinag-aagawang future husbands ang involved, gaya nina Mavy Legaspi at Kobe.
Bonggang Kyline, yummy girl ang dating talaga.
Helen, ‘di nagbabago
Nagulat ako nang makatanggap ng text mula sa mabait na asawa ni Tito Sotto.
Ever since very kind and friendly si Helen Sotto. Noon pa man special weapon na ni Tito Sotto si Helen kaya never nawala ang connection niya sa showbiz.
So proud sa naging pag-uusap namin dahil talagang andun pa rin ang kindness at sweetness ni Mrs. Helen na talaga namang hindi nagbago.
Bongga.
- Latest