Kiko, itatapat kay Coco!

Mukhang pinaghahandaan na nga ng TV5 ang mga programa nila kung sakaling matatapos na ang collaboration nila sa ABS-CBN Studio. Ang dinig kasi namin, hanggang 2027 na lang ang kontrata nila, at mukhang wala pang balita kung magkakaroon ng renewal.
Kagaya nitong pakikipag-partner nila sa pamilya ng namayapang nobelista, producer at direktor na si Carlo J. Caparas, at ng Viva.
Malapit nang matapos ang Lumuhod Ka Sa Lupa at kasado na ang ipapalit na obra uli ni direk Carlo Caparas.
At mukhang gino-groom naman nilang magiging hari ng primetime si Kiko Estrada.
Kung may Coco Martin ang ABS-CBN at si Ruru Madrid ng Lolong naman sa GMA 7, si Kiko naman ang pantapat ng TV5.
Nag-overlap na nga ang taping ni Kiko sa Lumuhod Ka sa Lupa at ng Totoy Bato. “Kinabahan lang ako dun sa dikit… kailangan galingan nyong lahat. It’s a team effort. My team is the best. They helped me through the transition, dun sa overlap,” pakli ni Kiko.
“Nag-overlap po kasi ang taping namin sa Totoy Bato, tapos nag-taping pa kami ng Lumuhod…, tapos bumalik po ako sa Totoy...,” napangiting pahayag ng aktor.
Sa May 5 ng 7:15 na magsisimula ang Totoy Bato, at mahalaga raw sa kanya ang bagong seryeng ito dahil ang original na Totoy Bato na pinagbidahan ni Fernando Poe Jr. at kontrabida roon ang lolo niyang si Paquito Diaz.
Pero sabi pa ni Kiko, mas close siya sa lola niyang si Josefa Gutierrez-Diaz na nung nabubuhay pa raw ito ay talagang pinapanood daw ang lahat nang ginagawa niya.
Sa buong media conference ng Totoy Bato ay laging binabanggit ni Kiko ang lolo at lola niya sa side ng ina niyang si Cheska Diaz.
Kaya tinanong namin bakit hindi ang kanyang amang si Gary Estrada. Nahahalata naming may tampo ito sa kanyang ama nang binanggit niyang kasama dapat si Gary sa seryeng ito.
Mas kumpleto raw sana kung kasama rito ang Papa niya, dahil inalok daw na maging bahagi rito sa Totoy Bato, pumayag na nga raw sa talent fee nito. “I really don’t know… I wish him well. Sana nagsama kami,” tila may tampo sa kanyang pagsagot.
Makakasama nila sa Totoy Bato sina Eula Valdez, Mon Confiado, Bea Binene, Diego Loyzaga, Cindy Miranda, Art Acuna, Nonie Buencamino at marami pa, sa ilalim ng direksyon ni Albert Langitan na siya ring direktor ng Lumuhod Ka Sa Lupa.
Zsa Zsa, pinagagawan ng bahay ni Conrad ‘pag nagretiro!
Kaya pa ni Zsa Zsa Padilla na mag-concert, at ngayon lang natuloy ang dapat ay two years ago pa niya ginawa. Kaya lang dumaan siya sa surgery, kaya bale 42nd anniversary celebration na itong concert niyang Through The Years na gaganapin sa Samsung Performing Arts Theater, Makati sa May 17.
Hindi pa masabi ni Zsa Zsa kung kailan siya magre-retire, dahil nakakapag-perform pa naman siya kahit senior citizen na. Pero pinaghahandaan na nila ng partner niyang si Conrad Onglao ang kanilang retirement, at meron nga raw silang ipinapatayong bahay. “Ngayon, settled na kami sa kung ano ang mga plano namin. Right now, we’re building a new home.
“Nakatira kami ngayon sa maliit na rental. Ang cute nga e. Cute kami,” napangiting pakli ni Zsa Zsa.
“Alam naman namin na temporary lang ‘yun. So, he’s a builder. Of course he builds, ‘di ba? Pero minsan ‘pag sinusumpong, you think sabi niya sa akin, we will move farther sa South ‘pag retired na daw kami. Sabi ko, ‘ha? Maglilipat na naman? Magbi-build na naman.
“Sabi ko, ‘siguro ‘pag meron ka pang energy na gumawa… in fairness to him nung naglipat kakaopera ko lang nu’n e. Most of the work actually, siya ‘yung gumawa.
“So, sabi ko kung meron pang energy, why not? Pero… I guess it’s something that’s innate. Ganun ‘yun e. Hindi mo mapigilan,” dagdag niyang pahayag.
Napagdesisyunan na rin daw nilang wala nang wedding na mangyayari. “Wedding, wala na actually. We’ve settled already, and we’ve been together for 11 years now. Yeah! So, we’re pretty good. Okay na kami.
“Basta nag-usap na kami, ‘yun na lang. Okay na kami. We need to discuss marriage kasi it’s really putting everything together, your assets whatever. So, that kinda gets in the way because, we’ve already established ourselves before we met each other. Saka may mga anak na kami,” saad ni Zsa Zsa Padilla.
- Latest