^

PSN Showbiz

Kathryn, nasilip sa pagsusuot ng mga regalo ni Daniel

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, nasilip sa pagsusuot ng mga regalo ni Daniel
Rommel Padilla, Daniel Padilla, at Karla Estrada

Nag-aasaran ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa birthday ni Daniel noong April 26 kung saan nag-reunion ang mga magulang niyang sina Rommel Padilla at Karla Estrada.

Hindi raw nag-trending ang birthday ng aktor, samantalang ang birthday ni Kathryn noong March 26.

Sagot ng fans ni Daniel, araw-araw silang nagpa-trending sa birthday ng aktor mula April 1 hanggang nung birthday nito, paanong hindi sila nag-trending.

Ipinagmalaki rin ng followers ng aktor na may electronic birthday greeting sila rito sa globe na nasa Mall of Asia na ang mahal daw ng ads doon na hindi raw ginawa ng fans ni Kathryn.

Nagkakaasaran pa sila sa lumabas na la­rawan ni Kathryn na suot ang regalong bag at relos ni Daniel.

Kinontra ng maka-Kathryn ang inakalang subtle way ng birthday greetings ni Kathryn sa ex sa pagsusuot ng mga regalo nito sa kanya.

Aliw lang dahil hindi talaga nauubusan ang fans nila para magtalo at magbardagulan online.

Pokwang, paborito sa Kapuso?!

Sina Marian Rivera at Pokwang ang judge sa dance competition ng GMA 7 na Stars on the Floor at makakasama nila bilang judge si Jay Joseph Roncessvalles, choreographer ng SB19.

Si Alden Richards ang host ng show.

Ang daming hanash ng fans, may mga gusto silang makasamang judge gaya ni Rochelle Pangilinan.

Bakit daw si Pokwang ang napi­ling isa sa judge, gayung mas kilalang dancer si Rochelle?

Parang mali raw na hindi siya judge dahil kinuha siyang judge sa dance segment ng It’s Showtime, samantalang sa SOTF ng GMA, hindi siya kinuha at sa halip, sina Pokwang at Marian ang kinuha.

Maaalalang may matinding rason ang GMA kung bakit hindi nasamang judge si Rochelle, saka tama ang netizen, napapanood na siya sa Lolong: Pangil ng Maynila, at nagkasunud-sunod ang kanyang show.

Kapag nakara­ting kay Pokwang ang mga reklamo ng fans na dapat si Rochelle ang kinuhang judge at hindi siya, siguradong sasagot ito na magiging tatlong show na sa GMA dahil may TikToClock at Binibining Marikit pa siya.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with