Korean actor na si Choi Bo Min, susubok sa pinoy teleserye

Wala naman daw sigurong kaugnayan sa Beauty Empire, ang pagsasamahang big project ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara na isang revenge drama series ng GMA Public Affairs, sa pagiging single ng dalawa sa kasalukuyan.
Magkasunod nga na nakipag-split sina Barbie at Kyline kina Jak Roberto at Kobe Paras respectively.
Pero parehong hindi sila nagsalita tungkol sa totoong rason ng kanilang natapos na relasyon.
Anyway, makakasama nila sa Beauty Empire ang dalawang tinitingalang beauty queens na sina Ruffa Gutierrez at Gloria Diaz.
First project naman ito ng Korean superstar na si Choi Bo Min dito sa bansa habang mapapanod rin dito sina Sam Concepcion, Chai Fonacier, at Sid Lucero.
Tulad ng kanyang fans, excited na si Barbie sa kanyang serye. “Coming from grand period drama na Maria Clara at Ibarra at Pulang Araw, ngayon we will step into beauty and fashion. Be-beauty si ate Barbie, fa-fashion siya, so very, very excited. Together with my glam team, we’re all very excited,” say ni Barbie.
Ruru, normal na ulit maglakad
Mabilis ang nagiging road to recovery ni Lolong lead actor Ruru Madrid mula sa kanyang natamong hamstring injury. Ilang araw pa lang nga matapos siya maospital, balik-taping na agad si Ruru para sa serye.
Kahit pa nga willing mag-adjust ang program para makapagpahinga pa siya, talagang pursigido ang Kapuso actor na gumaling agad at makabalik sa serye.
Halos normal na nga ang trabaho nito sa set. Nakakalakad na siya nang maayos at hindi na kailangan ng wheelchair o saklay. Ikinatuwa naman ito ng kanyang doctor.
“Nagulat din po siya actually na sobrang bilis po ng healing. But siyempre, sabi niya huwag ka pa rin magsa-stunts na magiging delikado at posibleng bumalik ‘yung injuries. Sabi niya at least, ipahinga mo itong linggo na ‘to ‘tapos, try natin mag-MRI ulit. Kung healed na siya, maibigyan ako ng clearance,” say ni Ruru sa isang panayam.
- Latest