Cristine at Marco, pinanghihinayangan
Hindi pa nga masyadong nagsi-sink in ang pag-a-unfollow ni Sofia Andres kay Daniel Miranda, heto may bagong couple na naman na nag-unfollow sa isa’t isa.
Marami ang nagulat na nag-unfollow sa kani-kanyang Instagram sina Marco Gumabao at Cristine Reyes.
Noong isang araw lang, may lumabas pang interview kay Cristine na sinabing hindi niya inaasahan na magkakatuluyan sila, tapos heto ang balita. Nakakagulat nga naman. Abangers na ang marami na malaman kung ano ang nangyari sa relasyon ng dalawa na inakalang endgame na ang isa’t isa.
Ang dami nang pinagdaanan nina Marco at Cristine at suportado ng aktres ang pagpasok sa pulitika ni Marco. Nababasa rin natin sa IG nila na sabay silang um-attend ng service at ipinakilala na nila ang isa’t isa sa mga pamilya nila. Close na si Cristine sa siblings nito.
Umaasa ang mga nagmamahal sa kanila na konting problema lang ito at maaayos din nila kapag nakapag-usap na.
Bashers, bumait kay Mikee
Napansin naman na nag-iba na ang comment ng bashers ni Mikee Quintos pagkatapos mabalitang naipasa niya ang kanyang Thesis Defense. Kung dati, iniisyu ang diumano’y ang kawalan niya ng ambag sa kanilang thesis, ngayon, puro papuri sila sa kanya.
Hindi raw ito tumigil sa pag-aaral kahit inabot siya ng 10 years bago matapos ang Architecture course sa University of Santo Tomas. Ang thesis ang last requirement para siya ay maka-graduate na pangako niya sa kanyang parents.
“Hindi ko inakala na darating ang araw na to. Ang dami kong beses na muntik sumuko pero pinangarap ko ‘to. Para sa pamilya ko, sa sarili ko, at sa lahat ng naniniwala sa second chances. Hindi importante kung gaano katagal, ang mahalaga –tinapos mo,” sabi ni Mikee.
Anyway, tama ang supporters niya, at least, graduate na siya at may showbiz career pa. In fact, nasa cast siya ng Slay series ng GMA 7 na maganda ang feedback ng viewers.
Alden, pahinga muna sa serye
Full reveal bukas sa All-Out Sundays, ng dance reality show to be hosted by Alden Richards na Stars On The Floor ang title.
Ang SOTF ang dahilan kung bakit ayaw muna niyang gumawa ng series sa TV, pahinga raw muna siya at kung aakting man, sa pelikula na muna.
Maganda siguro ang concept ng dance reality show para piliin ni Alden at pansamantalang iwan ang paggawa ng TV series na mas nakasanayan niyang gawin.
Sabagay, nabanggit nito minsan na nami-miss niya ang mag-host, kaya nang i-present sa kanya ng GMA ang show at ang concept nito, kanyang tinanggap.
Parang nabanggit din niya na magsisimula na siyang mag-taping at ang request ng kanyang fans, sana may episode na live para mas feel ang energy ng audience.
- Latest