^

PSN Showbiz

Sofia at Daniel, nakiuso sa hiwalayan?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sofia at Daniel, nakiuso sa hiwalayan?!
Daniel, Sofia at Zoe
STAR/File

Hiwalay na nga ba sina Sofia Andres at partner niyang si Daniel Miranda?

True ba na nag-unfollow na raw sila sa isa’t isa.

Sayang naman at kawawa naman ang anak nilang si Zoe kung sakaling totoo nga ang haka-haka ng mga marites.

Nagsimula ang ispekulasyon ng mga follower nila dahil sa mga cryptic post ni Sofia at ang bilis ng mga matanglawin na nakita agad na hindi na sila nagfo-follow sa isa’t isa.

Kailan lang nang sagutin pa ni Sofia ang nagkomento na pakasal na sila sa simbahan at sinabi pa niyang “wait, who said I’m not married?”

Baka naman may tampuhan lang sila?

O baka naman wala lang itong meaning? Hahaha.

Well, ano nga ba ang pake ko sa kanila. ‘Di ko sila personal na kilala at at ‘di rin nila ako kilala dahil masyonda na me.

‘Kaloka.

Kylie at Aljur, nagsama ulit para sa mga anak!

Ang bongga naman ng mga anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na sina Alas at Axl na ang daming medal na natanggap sa school nila.

Proud na ipinost ni Kylie ang litrato ng mga anak nila at naroon din ang ex-husband niya na may caption na “Proud of you boys.”

Mukhang naayos na ng dating mag-asawa ang gusot sa kanila at nagkasundo na para sa mga anak nila.

Na mabuti naman na kahit hiwalay na sila ay hindi absentee father si Aljur.

Ang gandang tingnan ng photos ng mag-aama at halatang masaya ang mga bata na kasama na andun ang daddy nila.

Meron nga raw mga follower na kinilig nung malaman na magkasama ang dalawa, na malabo na rin namang magkabalikan.

Common knowledge na jowa na ni Aljur si AJ Raval kaya tigilan na ang pag-ship sa dating mag-asawa.

At in fairness, ang popogi ng mga apo ni Sen. Robin Padilla na nagmana sa parents nila.

May future agad ang mga bagets sa showbiz ha.

Bongga.

DANIEL MIRANDA

SOFIA ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with