^

PSN Showbiz

Common law wife ni Hajji na si Alynna, ‘di nakaapak sa burol ng singer

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Common law wife ni Hajji na si Alynna, ‘di nakaapak sa burol ng singer
Alynna Velasquez
STAR/File

Madrama ang post ng ommon law wife ni Hajji Alejandro na si Alynna Velasquez sa kanyang social media account haban naglalakad papunta sa star ng namayapang singer sa Walk of Fame.

May background music ito ng kantang Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa Yo ni Hajji.

May mga kuwento kaming naririnig tungkol sa isyu ni Alynna sa pamilya ni Hajji, lalo na sa mga anak niya, pero wala naman kaming nakukuha sa dalawang panig.

Nung huling nakapanayam si Rachel Alejandro ay napakapositibo naman ng mga pahayag niya na “Doing better,” sabi niya na noon daw ay iniuwi na nila sa bahay ang ama.

Nabanggit niya rin nahangad ng daddy niya noon na makabalik sa pagkanta.

Kasi kasama pa siya dapat sa tour ng APO Hiking Society at Hitmakers.

“Nothing makes us happier, kaming mga singers e. And in my mind, nakikita ko na tatapak kami ng entablado, magkasama ulit,” masaya pang pahayag noon ni Rachel sa nakaraang FDCP Parangal ng Sining 2025.

At hindi pa tayo naka-move on sa pagpanaw ni Nora Aunor, ginulantang tayo sa pagpanaw ni Hajji.

Nadagdag ngayon ang isyu kay Alynna na hindi siya pinayagang pumunta sa burol ni Hajji.

Nasa caption ng kanyang post na ‘yun, “I was unable to go to your wake for reasons I don’t have control of. But I am glad I am here to pray for you and watch your star shine!”

Noong unang gabi ng lamay ay may ipinost din siya sa kanyang IG Story na, “Lord, please give me strength…”

May kasunod pa siyang IG post na, “How could be people so mean to me when I am also grieving? God sees everything…”

Kamakalawa lang na kung saan ay nasa huling burol na kay Hajji sa Heritage Memorial Park, nag-post siya uli ng “My heart always forgives…”

At kahapon ay may post siya uli na “Pain, pain, go away, please…”mga lumang pelikula ni ate guy,

Mga naiwang pelikula ni Ate Guy, ipalalabas na

Inaayos na ngayon ni direk Adolf Alix sa Ovation Productions at Godfather Productions ang showing ng pelikulang Kontrabida ni Nora Aunor.

Noong taong 2021 pa ito natapos, at sinubukan nilang isumite sa Metro Manila Film Festival noong 2023 pero hindi nakapasok.

Ngayon lang uli sila nagkaideya na dapat ipalabas ito sa mga sinehan.

Hinihiling nga ng mga Noranian na magkaroon ng tipong Nora Aunor Film Festival na kung saan mapapanood ang mga classic film ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts.

Bukod sa Kontrabida ay may isa pang natapos na rin si direk Adolf na pelikulang Laro na mas nauna pa itong natapos sa Kontrabida.

Isa sa nakasama rito ni Ate Guy ay si Martin del Rosario na sandali naming nakatsikahan sa burol ni Ate Guy.

Hinding-hindi raw niya makalimutan ang mga eksenang ginawa niya sa pelikulang ‘yun kasama ang namayapang aktres.

Iba raw kasi talaga kapag nakatingin ka na sa mga mata ng Superstar.

‘Kaeksena mo si Ate Guy, ‘pag tinitingnan mo ‘yung mata niya, para ka niyang hinihigop!

“Parang ang sarap niyang panoorin. Parang may hypnosis. Nakaka-hypnotize, so dun pa lang na-starstruck na ako. Tingnan ka lang niya, wala siyang sinasabi, tumingin lang siya sa yo, ramdam na ramdam mo ‘yung intensity ng ano ni Ate Guy.

“Tapos kabadung-kabado nga ako dito dahil meron kaming eksena dito with Mark Neumann, parang threesome,” napangi­ting pahayag ni Martin.

Sinabi raw niya kay direk Adolf na parang hindi niya kayanin ang eksenang menage a trois nila kasama si Mark Neumann.

“Tapos naalala ko, si Ate Guy, parang… sabi ko, ‘Nahihiya po talaga ako sa inyo, pasensya po, sorry po, sorry po!’ “Sorry ako nang sorry sa kanya. ‘Hindi, ano ka ba? Gawin mo lang kung ano ang kailangan mong gawin!’ sabi niya sa akin. “Ayun, na-relax na ako after that,” sabi pa ni Martin.

Balak na rin nilang ipalabas itong Laro, at meron pang isang horror film na dinirek ni Topel Lee, ang Ligalig na kung saan kasama niya rito si Allen Dizon.

Samantala, in-announce na rin ng TV5 na iere nila uli ang drama series ni Nora Aunor, ang Sa Ngalan ng Ina.

Magsisimula itong i-replay sa Lunes, April 28 ng 5:15 ng hapon. Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes.

Meron ding The Superstar Collection sa SM Cinema, Robinson’s Movieworld, Gateway at Fishermall simula ngayong araw. Ipalalabas ang mga pelikulang Beloved, The Flor Contemplacion Story, Tinik sa Dibdib at Mananambal.

HAJJI ALEJANDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with