Anak ni Lea, pinakita kung paano nagtuturok ng testosterone

MANILA, Philippines — Pinanood namin ang reels ni Nic Chien, ang anak nina Lea Salonga at Robert Chien kung saan, nagte-testosterone shot siya sa kanyang sarili.
Ang hahaba ng needles na ginagamit ni Nic sa kanyang injection at payo nito sa netizens, “Don’t watch it if you don’t like needles.”
May pahabol pa itong post na “Ignore my mom lmao she’s chilling” habang nasa likod si Lea, may kalayuan kay Nic. Ang hashtag ni Nic sa kanyang post ay “#transgender #testosteroneshot.”
Sabi nito, nag-decide siyang i-record ang testosterone shot niya na ini-inject niya sa left side ng kanyang stomach. Sabi nito, that day na nag-inject siya, masakit daw, pero may mga araw na hindi siya nasasaktan.
Anyway, stage actor din siya at sa Aug. 25, mapapanood siya sa Into the Woods bilang si Jack. Kasama ni Nic ang mom niya, sina Mark Bautista, Nyoy Volante, Mikkie Volante, Joreen Bautista, Teetin Villanueva, Joreen Bautista, Eugene Domingo at ang Broadway actress na si Arielle Jacobs.
On sale na ang ticket ng Into the Woods sa Samsung Performing Arts Manila. May mga request na sa producer na magbukas ng mas maraming slots dahil marami ang gustong manood nito.
Ruffa, may pangako
Sa June na pala ang airing ng Beauty Empire, ito ang post ni Ruffa Gutierrez na kasama sa cast, hindi lang nito nabanggit kung mauuna ang streaming sa Viu Philippines o ang airing sa GMA 7.
Ipinakilala rin niya ang karakter niya sa series, gagampanan niya ang role ni Velma Imperial, the Quenn CEO. Fierce, power-hungry, broken. Siya ang mentor ni Kyline Alcantara na makakalaban ni Barbie Forteza.
Sabi ni Ruffa, “It’s truly an honor to return as a leading lady in Beauty Empire with @gmanetwork 21 years after my last series with them. It feels like a lifetime ago!
“I began my television journey with GMA at 13 years old through Kuya Germs’ That’s Entertainment. And now, coming full circle, I’m super excited and grateful to be part of this new project with GMA, CreaZion Studios, and Viu.
“Thank you for this wonderful opportunity. I’m looking forward to this beautiful new chapter!”
Nag-congratulate kay Ruffa ang mga kaibigang sina Sunshine Cruz at Karla Estrada na gym buddies niya at si Cristalle Belo na nakakasabay niyang mag-boxing.
Excited naman si Ruffa to be working first time with Kyline and Barbie at pangako nito, “we are gonna have fun on the set!”
Nanay ni David, love na si Barbie!
BarDa fan talaga ang mom ni David Licauco na si Eden Licauco dahil dumating siya sa pa-block screening ng BarDa fans para sa movie ni David na Samahan ng mga Makasalanan. Game rin siyang nagpakuha ng photo with the BarDa fans at nang i-post ni Eden sa IG Stories, may lay over text na “I love Barda Thank you guys!”
Nagpasalamat ang Barda fans sa kanya at sa pagdating niya sa block screening, bale ang dad na lang nito at isa nitong kapatid na babae ang hindi pa nakakapanood. Napanood na kasi ng two siblings niya ang movie dahil nasa premiere night sila.
May nagtanong sa BarDa fans na nag-invite kay Eden kung bakit hindi nila inimbita sa block screening si Barbie. Chance na raw sana ‘yun para magkita sila dahil nabanggit nito na gusto niyang makilala ang ka-love team ng anak.
- Latest