^

PSN Showbiz

Kira, interesado sa beauty pageant

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kira, interesado sa beauty pageant
Kira Balinger
STAR/File

Sumasagi sa isip ni Kira Balinger na sumali sa isang beauty pa­geant. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay plano ng aktres na masubukan ito. “It’s always been in my plans po sana. Kaya lang siyempre po, I wanted to focus on one thing at a time, which is itong acting career ko po. ‘Coz when you join a beauty pageant, it really takes effort and dedication. Hindi po basta-basta. Siyempre po may training,” bungad ni Kira.

Matatandaang naging housemates sina Kira at Michelle Dee sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition kamakailan. Marami umanong natutunan ang aktres mula sa Miss Universe Philippines 2023 sa loob ng isang linggo sa PBB house. “To live with ate MMD (Michelle Marquez Dee), as iconic as she is, it was such a huge blessing. Ang dami ko pong natutunan sa kanya. Tapos sobrang hanga po ako sa kanya dahil she really took the time to sit down with all of us and to have our own little personal talks. Tapos ang talino niya, ang bait niya. Hay! Nakakakilig,” pagbabahagi ng dalaga.

Sina Kira at Charlie Fleming ang pangalawang mga evictee mula sa nakaraang PBB eviction night. May ilang nagsabi na parang beauty queens ang dalawa dahil magkahawak-kamay habang naghihintay ianunsyo kung sino ang matatanggal na housemates. “Actually, hindi po talaga namin pinag-isipan ‘yon. Nangyari talaga,” pagtatapos ng aktres.

AC, kabado

Mapapanood na rin si AC Bonifacio bilang isang special agent sa Lolong: Pangil Ng Maynila. Unang napabalita kamakailan na napabilang sa naturang serye ang ka-duo ng Kapamilya actress sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Ashley Ortega. Masayang-masaya ang bida ng action-drama series na si Ruru Madrid dahil sa lumalaki nilang pamilya sa Lolong. “I’m happy to announce na makakasama po natin dito sa Lolong: Pangil Ng Maynila si Ms. AC Bonifacio. Pinapakinggan lamang naman po natin ang gusto ng mga manonood. I’m just very grateful na pumayag po sila na maging parte ng Lolong,” nakangiting pahayag ni Ruru sa 24 Oras.

Ayon naman kay AC ay nae-enjoy nila ni Ashley ang mga karakter sa serye. “It’s very us din. Gano’n din kami as Tony (Ashley) and Charm,” paglalahad ni AC.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang dalaga ng isang proyekto na aksyon ang tema. Aminado si AC na talagang kinakabahan siya ngayon sa taping ng serye. “I am not ready pero kakayanin ko po. Kinakabahan po talaga ako. I mean, that’s how it is when you’re put in a new environment. But because of the people surrounding me, so welcoming,” pagtatapat ng Kapamilya actress. (Reports from JCC)

KIRA BALINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with