Amy Perez, ‘rumampa’ na kasama si Mariah Carey!

Naloka raw si Amy Perez sa litrato ng singer na si Mariah Carey na kasama si Kris Jenner dahil ang laki ng hawig nila.
Ipinost niya ang photo nina Mariah at Kris at sey nga niya ay “Naka Zoom in na ba lahat? ang alam ko nasa Clark ako at nagbabantay ng anak na nag golf.”
Marami nga ang sumang-ayon na magkamukhang-magkamukha sila ni Kris. Ang iba nga ay napagkamalan na siya talaga iyon.
May iba raw na tinitigan pa raw ang American TV personality para makumpirma kung si Amy ba iyon.
Biro nga sa kanya ay big time na raw talaga ang It’s Showtime host.
Well, mas natural nga raw ang beauty ni Amy at kabog daw nito ang nanay ng mga Kardashian.
Bongga talaga.
‘Now I am free and happy’
Siguro isa sa sakit ng ulo ko na mawawala sa pag-give up ng Imperial condo units ko.
Para akong isang sira ulo na bumili ng unit, ipinaayos sa isang designer pero never natulugan kahit minsan.
Kasi nga gaga ako na hindi dinadala ang susi na to my surprise nag-iisa lang pala at walang duplicate. ‘Yung isang unit na pina-rental ko.
Now I am free and happy, dahil isang mabait at very helpful na friend ang bibili ng unit ko.
Ang sarap ng feeling na meron kang isang baggage sa balikat na mawawala.
Another nice goodbye. Fairview house na lang na either kay Vanessa (pamangkin) o kay Mel (kasama ko sa bahay) mapupunta.
I will feel ok kahit kanino. I know they will take good care of it.
My dogs konti na lang kaya konting heartaches na at alaga.
‘Kaloka. Bongga.
- Latest