^

PSN Showbiz

Andre, pinagtanggol ang topless photo ni Kobe sa beach club

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Andre, pinagtanggol ang topless photo ni Kobe sa beach club
Kobe Paras
STAR/File

Hindi na nakatiis si Andre Paras, mahaba ang ipinost nito sa kanyang Facebook account para ipagtanggol ang kapatid niyang si Kobe Paras.

Kalakip ng FB post ni Andre ay profile pic nitong content creator na nag-post ng kuha kay Kobe na naka-topless na parang nasa isang beach club, na masayang nakikipag-party.

Sabi nitong content creator sa kanyang caption, “So ito ang gusto mo sa buhay mo Kobe walwal lang nang walwal? With these guys at sino naman yung babae na yan?”

May hashtag #Kobe at #partyboy, na sinabi pang “lifestyle na gusto niya” at “lifestyle niya parang nakawala sa hawla.”

Inilabas nito sa gitna ang mainit na isyung hiwalay na raw sina Kobe at Kyline.
Ipinaliwanag ni Andre na nasa party talaga ang kapatid niya sa isang club.

Aniya, “Kobe is with his friends and he’s ha­ving fun. They are doing it in the right place and time. They are in a club. It’s legal to have fun and make noise there right?

“Magtaka po kayo kapag nag-club ang isang tao tapos nagbabasa lang sila ng libro roon o kaya pumunta doon para lang matulog.

Sabi pa ni Andre, “If you really cared about Kybe then you will not be doing this at all this.
“I know what you’re trying to do. You’re trying to make my brother look like a bad person.”

Mahaba pa ang post ni Andre na kahit aniya nakakasira sa kapwa ay ginagawa ng mga taong ito para lang makakuha ng maraming views at kumita.

Cong. Lani, hirap sa kampanya dahil sa fake news at AI

Hindi na mapigilan ang pagkakalat ng fake news na isa sa matinding hinaing ngayon ng mga tumatakbo sa eleksyon.

Isa ‘yan sa pinag-usapan namin ni Cong. Lani Mercado nang bigyan siya ng surprise birthday party sa kanyang 57th birthday na ginanap sa Conrad Hotel noong Linggo.

Ito raw ang kaibahan sa pangangampanya nila ngayong eleksyon.

Ani Cong. Lani, “Ang hirap ngayon kasi ang daming fake news. Kaya sinasabi namin lagi, mapagpamatyag ang mga tao. Huwag basta like nang like, huwag basta share nang share. You have to be investigative also on what to watch.

“So, I agree na dapat magkaroon po talaga ng guidelines o batas na magpe-prevent ng fake news.

“Kung merong MTRCB sa mga pelikula at telebis­yon, I think kailangan ma-scrutinize, mas bantayan ngayon. Kasi very wide ang scope ng social media, plus meron pa tayong Artificial Intelligence. So, hindi mo na tuloy alam kung ‘yung tao ba talaga na ‘yun ang totoong nagsasalita, nakokopya ang boses, nakokopya ang itsura.”

Kaya tama raw talagang ginagawa ngayon ng Kongreso ang masusing pagdinig tungkol dito sa pagkakalat ng fake news. “May mga mga vlogger na nababayaran para gawin ang hindi kanais-nais. So dapat na magkaroon ng batas para ma-prevent ‘yung mga ganyang klaseng kaganapan,” sabi pa ni Cong. Lani Mercado.

Ngayong stop muna sa pangangampanya ang mga kandidato, may time na makapag-bonding sina Cong. Lani at Sen. Bong Revilla na magpapahinga kasama ang buong pamilya.

Baka nasa Boracay raw muna sila para makapagpahinga at ma-observe rin ang Holy Week.

Sam at Rhian, tuloy ang tradisyon sa Visita Iglesia

Ipinagbabawal nga ng COMELEC ang mangampanya sa Maundy Thursday at Good Friday, kaya makakapagpahinga ang mga pulitiko sa ngayon.

Pero nilinaw ito ng Mayoralty candidate na si Sam Verzosa na walang pa­ngangampanya ang pag-iikot niya sa mga simbahan sa Maynila.

Mula nung bata raw siya ay ginagawa na nila ang mag-Visita Iglesia na kung saan 14 churches ang pinupuntahan nila sa kabuuan ng Maynila.

“‘Yun lang po ang gagawin namin. Walang kampanya ha? Walang pulitika.

“Gagawin lang namin kung ano ‘yung ginagawa ng pamilya namin, simula nung bata kami.

“Kailangan natin ‘yun. Kung kinakailangan nating i-develop ‘yung sarili natin physically. Kung kailangan nating magpayaman o mag-asenso financially, kailangan din natin ‘yung tulong ng Panginoon spiritually,” dagdag niyang pahayag.

Parang pahinga na rin daw sa kanila ‘yun kasama ang pamilya, at kasama si Rhian Ramos siyempre na talagang katuwang na niya ngayon sa lahat nang ginagawa niya.

KOBE PARAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with