Katy Perry, nakakanta pa sa kalawakan!

Ligtas at maayos na nakabalik sa Earth ang pop superstar na si Katy Perry kasama ang limang iba pang kababaihan matapos makarating sa kalawakan sakay ng Blue Origin rocket ni Jeff Bezos.
Kasama nga siya sa gumawa ng kasaysayan sa paglipad sa kalawakan na umano’y tumagal ng humigit-kumulang 11 minuto sakay ang anim na kilalang kababaihan kung saan narating nila ang 100km (62 miles) sa itaas ng Earth at tumawid sa sinasabing boundary ng kalawakan at mundo.
Makikita sa video kung paano nila nakita ang buwan at kung anong ginawa nila nung nawalan sila ng timbang at lumulutang na lang.
At nakakanta pa si Katy Perry ng What a Wonderful World ni Louis Armstrong.
Kasama nga sa anim na crew ang fiancée Blue Origin Rockets na sina Lauren Sanchez, CBS host Gayle King, dating NASA rocket scientist Aisha Bowe, scientist Amanda Nguyen at film producer na si Kerianne Flynn. Si Gayle King ay bestfriend ni Oprah Winfrey.
“I feel super connected to love,” sabi ni Katy Perry pagkabalik sa Earth na humalik sa lupa paglabas ng capsule.
Ayon pa sa report ng Reuters, bukod kay Oprah Winfrey na lumuluha, dumalo rin sa launch pad sina Kris Jenner at Khloe Kardashian.
Ito rin pala ang unang all-female spaceflight mula noong ang Soviet cosmonaut na si Valentina Tereshkova – ang unang babae sa kalawakan – na umikot ng halos tatlong araw na solo flight noong 1963.
Hindi ibinunyag ng Blue Origin ang average na halaga ng isang upuan sa isa sa mga rocket nito na ipinakita pa ni Katy Perry ang hitsura ng bawat upuan.
Makikita rin ang hawak niyang daisy na pangalan din ng anak niyang four-year-old.
Sa website nito, sinabi ng kumpanya na ang mga gustong pasahero ay kailangang magbayad ng $150,000 na isang refundable deposit upang simulan ang “process of order.”
Noong 2021, inihayag ng kumpanya na ang pinakamataas na bid para sa isang upuan sa New Shepard spacecraft nito ay $28 milyon. Sa parehong taon, ang aktor ng Star Trek na si William Shatner ay lumipad nang walang bayad bilang guest ng Blue Origin.
Noong 2018, iniulat din ng Reuters na pinaplano ng kumpanya na singilin ang mga pasahero ng hindi bababa sa $200,000 para sa biyahe.
Ayon sa social media pages ng Blue Origin, “Book your flight on New Shepard at the link in bio.”
So sino kaya ang Pinoy na maglalakas-loob na bumiyahe sa kalawakan para may pang-content?
- Latest