^

PSN Showbiz

Elijah, kakaiba ang karanasan sa pagsusulat ng kanta

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elijah, kakaiba ang karanasan sa pagsusulat ng kanta
Elijah Canlas
STAR/ File

Isang dekada nang aktibo sa show business si Elijah Canlas. Bukod sa pag-arte ay gusto rin daw subukan ng aktor ang pagkanta at ipagpatuloy ang pagsusulat ng mga kantangayon. “2024 I didn’t get to make a single song. Ngayon I feel like a whole different person. I feel like iba na ‘yung music na magagawa ko. Iba na ‘yung mga lyrics na masusulat ko,” nakangi­ting pahayag ni Eljah sa ABS-CBN News.

Para sa aktor ay kakaibang karanasan sa tuwing nakapagsusulat siya ng mga kanta. “When I write music, I feel like it’s the best way to express myself, my truth, and without fear,” makahulugang paglalahad ng binata.

Mayroong payo ang aktor para sa iba pang mga nangangarap na subukan na pumasok sa industriyang kanyang ginagalawan. “If you really love this craft, then you really have to put everything that you have into it,” pagtatapos ng aktor.

Karylle, may warning sa mga nagkakalat ng fake news

Muling napabalitang buntis na diumano si Karylle ngayon. Sampung taon nang kasal sina Karylle at Yael Yuzon kaya palaging may nagtatanong sa singer kung nagdadalang-tao na. “ This is the third time this news has circulated. The news is fake,” pagbabahagi ni Karylle sa kanyang podcast na K’s Drama.

Hindi na bago para kay Karylle kapag napapabalitang buntis siya. Hindi na lamang minamasama ng It’s Showtime host ang tungkol dito. “How do we stop this kind of problem from happening, from circulating. Especially because it doesn’t seem like bad news. It’s not something that destroys my character. You don’t feel like a tsismosa or a tsismoso person by clicking or congratulating me on the comments section. So, what’s wrong with it?” giit ng singer.

Ayon kay Karylle ay kinakailangang maging maingat ang mga netizens sa lahat ng mga nababasa sa social media. “I knew a categorical denial would be useless because you want to believe what you want to believe and maybe you have a good feeling about congratulating me. And I think it’s not about education level. A lot of people have been fooled by this news. So, I am here to tell you once again that the news is fake. I hate fake news. For me, let’s be mindful about the things we shared, the things we believe because we don’t know where this would lead us,” paglilinaw ng ‘It’s Showtime’ host.

(Reports from JCC)

ELIJAH CANLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with