Andi, sinaklolohan ng lolo’t lola
Ang grandparents niyang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil ang ka-lunch nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao noong isang araw.
Tanong ng netizens, ibig daw ba sabihin nito, nagkaayos na ang controversial couple?
Sa napanood naming video, kasama sa lunch si Ellie (anak nina Andi at Jake Ejercito) at si Stevie, ang sister ni Andi.
Anyway, nilinaw ni Ellen Adarna na friend ni Pernilla na fake account nito ang lumabas na statement nito tungkol sa controversy na kanyang kinasangkutan.
Nakasulat sa fake account nito ang, “I just don’t understand why some people have so much hate in their minds and bodies. I hope that if you ever make a hurtful comment, you can still sleeppeacefully at nightand smile knowing you’ve caused someone pain. I’m still human din naman. I still feel hurt, and when it’s too much, it cuts deep.”
Ni-repost ni Ellen ang post ng isang friend ni Pernilla na nagsabing fake account ang pinanggalingan ng statement. Dahil ito sa ang personal account ni Pernilla sa Instagram ay deactivated mula nang sumabog ang kontrobersya.
Sa mga nagtatanong, good friends nina Ellen at Derek Ramsay si Pernilla at nakita na siya sa bahay nina Ellen at Derek. Sunod nito, sina Ellen at Derek na ang tatanungin tungkol sa kontrobersya nina Philmar at Pernilla.
PBB naghahanap na ng mga housemate
Sa March na pala ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, sinabi ito ni Gabbi Garcia nang i-post ang video ng welcome niya bilang Kapuso host nito sa All-Out Sundays last Suday.
Sabi nito, “What a warm welcome! Maraming salamatm @pbbabscbn & @alloutsundays7! Truly honored to be oart of this historic moment. Pinoy Big Brother Celebrity Collab—Edition coming this March! Kita-kits sa Bahay ni Kuya!”
By now, pinipili na ang Kapamilya at Kapuso stars na magiging housemates dahil three weeks na lang at March na. Hindi binanggit ang eksaktong petsa ng airing sa GMA-7 ng PBB, tiyak lang na kahit ‘yung Kapamilya fans na ayaw daw manood dahil sa GMA na ang airing ay manonood pa rin.
Napansin din namin sa mga comment na may netizens na bitter ba o inggit kay Gabbi dahil siya ang napiling maging co-host nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo.
Bahay nila Janice, pinabonggahan ang kitchen
May napanood kaming video, interview kay Kaila Estrada na ginawa sa bahay nila sa Parañaque City. Ang ganda ng bahay nina Kaila, sa gate pa lang, hanggang sa loob, ang ganda at gugustuhin mong tumira roon.
Kuwento ni Kaila, ang mom niyang si Janice de Belen ang nag-ayos ng kanilang bahay at idea nito na maging open ang house nila. As in, walang mga wall dividing the house, kaya maaliwalas. Iba ang ginawa na paghiwalayin ang sala at kitchen na lalong nagpaganda sa house.
Pinakamagandang parte ng bahay nina Kaila ang kitchen nila na open din at makikita ang iba’t ibang kitchen equipment na gamit sa pagluluto. Ayon kina Kaila at sister nitong si Moira, need nila ng malaking bahay dahil marami sila, apat silang magkakapatid plus Janice, lima lang sila.
Sa ganda ng bahay nina Janice ang gugustuhin mong uwian at tatamarin kang lumabas.
- Latest