^

PSN Showbiz

Newbie actor na ’di pa sobrang busy, chartered sa biyahe

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nakatikim ng luho sa katawan ang isang baguhang aktor na kontroberysal nang bumiyahe siya sa katabing bansa.

Eh isang chartered plane ang ginamit niya na pag-aari ng isang kaibigan, huh!

Take note, nakita sa social media account ng non-showbiz personality ang pictures ng wannabe na tuwang-tuwang nagsasaya sa loob ng plane na nag-iisa!

Hindi ipinakita sa pictures kung may kasama at kung sino ang rich friend ng baguhang aktor!

Kainggit, di ba? To think na hindi pa naman busy sa trabaho ang newbie, huh!

Marian, ‘di pumapalya sa pilates

IPINAKITANG muli ni Marian Rivera ang exercise niyang pilates na uma-umaga eh kanyang ginagawa.

Kaya naman maintain na maintain ni Yan ang kaseksihan at fit niyang katawan kahit may dalawang anak!

Preparasyon marahil din ito para sa nag-aabanng sa kanyang trabaho dahil matagal na siyang hindi napapanood sa TV series, huh!

Alam ni Marian ang halaga ng fit body and mind sa kanyang trabaho kaya naman regular niya itong ginagawa ng ilang beses sa isang linggo!

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with