ABS-CBN franchise, umusad na sa Congress

Maitulak kaya sa Congress ang bagong franchise ng ABS-CBN?
Kahapon ay pinag-uusapan ito sa House legislative franchises committee kung saan tinalakay ang status nito.
Matagal bago ulit naungkat ang tungkol dito matapos hindi i-renew ang kanilang franchise noong administrasyon ni former President Duterte.
Kaya naman ang daming pa-hashtag kahapon #IbalikAngFranchiseNgABSCBN.
Pero grabe si Cong. Johnny Ty Pimentel (nabasa ko ang pangalan sa video), talagang sobra ang pagtatanggol niya sa network at ang paliwanag kung ba’t kailangan itong magkaroon ulit ng franchise.
Pero ba’t kaya idinidiin niya sa hearing na iisa lang ang TV station ngayon at walang kalaban na ang tinutukoy ay ang GMA 7? Hindi kaya siya aware na may iba pang free TV channel?
Totoo bang kasama rin naman siya sa mga bumoto nung tanggalan ng franchise ang network?
Anyway, ayon sa representative ng ABS-CBN na si Bobby Barreiro (Chief Partnership Office) : “If restoring our franchise allows us to reach them (our audiences) again and provide more options to all viewers, and if Congress feels this is a worthwhile objective, we would fully support the achievement of the shared ambition. However Congress decides, ABS CBN will remain committed to continuing to transform lives by telling meaningful stories, being a catalyst of love of country and promoting human good. It is this mission that keeps us going day in and day out, fueling our passions in storytelling and service now and in the future. Maraming salamat po.”
Ang iminungkahing panukala, ang House Bill No. 11252, ni Albay Representative Joey Salceda at naglalayong ibalik ang franchise ng network para sa kanilang radio at television broadcasting station nito. Ang panukala ay kabilang sa mga nagpasa sa unang pagbasa sa Kamara noong Enero 13.
- Latest