Batikang aktres na si Hilda Koronel, nakabalik na sa bansa

Hilda Koronel

Nakabalik na ng bansa si Hilda Koronel at ang tanong, ano ang una niyang gagawing project? Mukhang may pictorial na siya sa project ng Idea First Company nina Perci Intalan at Jun Lana this week at balitang naimbitahan siya sa Malacañang para sa Konsyerto sa Palasyo sa Linggo. Magsisimula na ang shooting ng pelikula with Jun Lana this December!

Ang tanong, paano na ang pelikula naman ni Direk Adolf Alix na unang napabalitang gagawin niya sa kanyang pagbabalik?

Si Direk Paul Soriano na nga ba ang producer nito? Matutuloy pa ba ito?

Edsa, napupuno ng tarp ng MMFF movies

Masaya at nasa EDSA na ang mga tarpaulin ng mga sine na lahok sa Metro Manila Film Festival. Malamang sa mga susunod na araw at linggo, aware na aware na ang mga tao sa mga pelikulang ilalabas sa 50th MMFF.

May ilang nagtatanong lang, bakit karamihan ng mga tarp sa EDSA ay puro And The Breadwinner Is, Espantaho, at Green Bones lang?

Tapos may ilang partylist at pulitiko na nag-e-endorse rito? Paano na raw kaya ang ibang entries? Sa gilid-gilid na lang ba kaya sila ng Metro Manila?

Andrew E, first sa major concert

Mamaya na ang concert ni Andrew E – his first major concert sa kanyang career – sa New Frontier Theater. Guests sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Heaven Peralejo at Anygma.

Mapupuno kaya ang venue? Bakit late na in his career nangyari ito – nga­yon pang wala siyang bagong hit? At sana noong panahon pa ni Tatay Digong (Rodrigo Duterte) dahil siya ang flag carrier nila noon sa kampanya.

Ang tanong, darating ba si Inday Sara (Duterte)?

Tita ni Anthony, tinalakan si Jamela

Nakakataquote:

Tita ni Anthony Jennings, naglabas ng saloobin tungkol sa ex-girlfriend:

“Dinamay niya si Maris dahil sa selos. Lahat ng ipartner kay Anthony pinagseselosan ni J. at pagdating sa pera ni Anthony, siya ang nagcocontrol magkano lang ang ibibigay sa mama ni Anthony. Naniniwala ako dahil alam ko kung gaano kagahaman sa pera si J. Mismo mama ni Anthony, tinitipid niya. Minsan hindi makakain , papasok na lang sa school kapatid ni Anthony dahil si J nagcocontrol kung magkano lang ibibigay sa mama ni Anthony.”

– Merilyn Oloffon, auntie of Anthony Jennings

Show comments