Panalo sa fans nina Richard Gomez at Aga Muhlach ang TVC ng ad campaign nila para sa isang brand ng tuna.
Ang maganda sa ad campaign, walang filter sina Aga at Richard at hindi yata nilagyan ng makeup dahil kitang-kita ang lines sa kanilang mga mukha. Very prominent din sa kaso ni Richard ang crow’s feet around his eyes.
Hindi rin sila nag-dye ng hair at makikita ang white hair ni Aga at ganu’n din si Richard. Makikita ring hindi sila conscious na ipakita ang kanilang dad bods na halata ang malaki nilang tiyan.
Sabi ni Aga, “Halfway there! Sige lang! Aabutin natin yan. Thank you @centurytunasuperbods for the trust. This is just the beginning! Next year it is!! let’s do this!!!”
Kaya, we can expect na next year, malaki na ang ipinagbago ng body at looks nina Richard at Aga. Nabanggit ni Aga sa TVC na he gained 60 to 70 lbs., at 50 lbs., na ang nawala sa kanya. Pero, kailangan pa rin niyang pumayat na ginagawan na niya ng paraan at too much effort.
Nagwu-workout na siya at nabanggit na may nutritionist who takes care of their family’s food preparation. Kasama nga nila ang nutritionist sa taping ng Da Pers Family ng TV5.
Tinapos muna ni Aga ang shooting ng Uninvited bago simulan ang journey to having a super bod. Bagay sa kanyang role sa 2024 Metro Manila Film Festival entry ng Mentorque Productions at Project 8 Projects bilang scheming billionaire.
Hopefully, last time na natin mapapanood sa nasabing pelikula na malusog si Aga dahil goal niya next year ang pumayat na mapapanood simula Dec. 24, 2024 sa cinemas nationwide.
Show ni Kuya Kim, fusion ng facts at fun
Infotainment show ang Dami Mong Alam ni Kuya Kim Atienza na simula na ng airing this Saturday, 10:45 a.m. sa GMA 7 at produced ng GMA Public Affairs. Fusion ng fun and facts sa style ni Kuya Kim, pangako nito sa viewers, isang “fun-filled and exciting journey of discovery- blening entertainment with mind-expanding trivia” ang kanilang mapapanood.
Sa pilot episode, tampok ang viral video ng daring snake handler’s encounter with a King Cobra. May snake trivia rin complete with stunning visuals and expert input.