Aktres, na-scam ng karelasyong tomboy / fluid

Na-scam pala ang isang mahusay na actress nung na­karelasyon niyang tomboy na hindi pala totoong mayaman.

Yup, ang impression ng lahat ay mayaman ang nasabing tomboy dahil sa kanyang mga negosyo.

Pero hindi pala legit ang pagiging rich lesbian. ‘Deep fake’ kumbaga. Gawa-gawa lang.

Pero wala raw magawa ang actress dahil hindi naman siya lantad sa kanyang gender. Ang alam ng lahat, she ang pronoun niya.

Wala siyang inaamin kaya ‘di siya makademanda.

Bukod sa nasabing aktres, may nabiktima rin daw ang nasabing tomboy ang isa pang kilalang personality.

Ganundin, ‘di raw makalantad o makademanda dahil magiging malaking eskandalo pa.

Show comments