Gerald, aminadong ‘di pa sila ok ni B, sinagot ang nangyari sa kanila ni P

Gerald Anderson.
STAR/ File

Pananampal daw ni M, ‘di naungkat

Ahh malakas na tawa lang ang sagot ni Gerald Anderson nang pag-usapan ang kanyang ‘past’ sa The Men’s Room ng One News PH hosted by Janno Gibbs and Stanley Chi na tumi-trending sa social media.

Una ngang tinanong sa kanya si B kung ok na ba sila.

Walang diretsahang mention ng Bea Alonzo pero common knowledge naman na kontrobersyal ang nangya­ring hiwalayan sa kanila ng ex girlfriend na actress.

Aniya : “Hindi ko masagot ng 100%... pero siyempre sa side ko, okay naman. Ang tagal na ‘nun eh. Ayun lang,” pag-amin ng aktor matapos parang mag-isip ng isasagot.

Taong 2019 nung naghiwalay sila dahil sa diumano’y ghosting. Antagal bago nawala ang nasabing kontrobersiya.

Nang tanungin naman siya sa tungkol sa mainit nung intriga rin sa kanila ni letter P, ang sagot naman ng aktor ay : “Ang tagal naman ‘nun…Chismis lang ‘yun.”

Wala ulit banggit ng pangalan pero alam nang lahat sa showbiz na si Pia Wurtzbach ang tinutukoy na nakatambal niya sa pelikulang My Perfect You.

Diumano’y nagkaroon sila ng maiksing relasyon noon ng dating beauty queen na misis na ngayon ng travel influencer na si Jeremy Jauncey.

Diumano’y ito ang rason ng unang hiwalayan nila ni Bea noon pero nagkabalikan sila hanggang naghiwalay ulit.

Noong 2021 ay inilantad ni Gerald at Julia Barretto ang kanilang relasyon matapos ang kontrobersya sa diumano’y ghosting nga ng actor kay Bea.

Pero ba’t kaya hindi naitanong kay Gerald kung totoo ang kontro­bersya noon tungkol sa isang mahusay na actress na si M na diumano ay binigyan niya ng necklace pero na misinterpret daw ng actress.

Nagkasakitan pa raw ang dalawa pero ‘di nilabanan ng actor. Hindi natuloy noon ang pagsasamahan nilang teleserye.

Kasi pwede ring sinagot ni Gerald ito kung totoo ito o hindi.

Show comments