^

PSN Showbiz

Gerald at Jessy, sasabak sa aksyon; Lolo and the Kid direktor hindi apektado sa bad reviews

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gerald at Jessy, sasabak sa aksyon; Lolo and the Kid direktor hindi apektado sa bad reviews
Gerald Anderson

Si Direk Benedict Mique pala ang hahawak ng soap opera nina Gerald Anderson and Jessy Mendiola na may pamagat na Nobody.

Fresh from the massive of success Lolo and the Kid si Direk Benedict at ngayon ay nagpo-promote siya ng Maple Leaf Dreams starring Kira Balinger and LA Santos na ipalalabas na sa mga sinehan star­ting Sept. 25.

Kailan kayo mag-start ng Nobody, tanong namin kay Direk Benedict sa ginanap na media conference ng Maple Leaf Dreams noong Lunes ng hapon.

“This September na.”

Aside from Gerald and Jessy, sinong iba pang mga kasama? Hindi pa raw nako-confirm ‘yung iba.

Pero nagbigay siya ng idea kung anong gusto niyang mang­yayari sa unang tambalan nina Gerald and Jessy.

“Gusto ko matinding action pero matindi ‘yung puso. Sabi ko, it’s two different worlds, ‘yung ginagawa namin. Sabi ko, ito mundo ng... si Gerald, may mundo siya na very family.

“Kaya naghahanap kami ng location na parang very Pasig, Sampaloc ganun, na may neighborhood. Kasi I want to feature ‘yung Filipino neighborhood, barangay. Na nandun ‘yung tao. Tapos well-loved siya, maski pulis siya. Tapos meron ‘yung mundo ng high-profile na mga kontrabida. So we want to mix that. So ‘yung action and family drama,” aniya sa pinaplano nila.

Pero wala pa sila target or schedule kung kelan sila lalabas.

Aside from Maple Leaf Dreams and Nobody, meron pa siyang iso-shoot na Four Bad Boys and Me.

Starring naman daw dito sina Anji Salvacion and si Gelo ng BGYO.

“Tapos after that, I have a film sa GMA.”

Anong pelikula? “Hindi ko alam kung pwede nang... pero ito ‘yung co-producer si Sir Chavit Singson. So kasama rin siya sa cast. Exciting ‘yung film.”

Comedy aniya ang genre nito at nang i-pitch daw niya ay nagustuhan ng negosyante. May dinescribe siyang eksena sa simbahan ng dating pulitiko.

May playdate na raw ito kaya sana ay mag-umpisa na raw silang mag-shooting.

Na-busy ba siya pagkatapos ng Lolo and the Kid na consis­tent number 1 trending sa Netflix. “Hindi, before pa ito ha. Hindi ito dahil sa Lolo and the Kid. Even before pa,” katwiran niya sa mga sunud-sunod na proyekto.

Aminado siya na dati ay parang alam mo na o napupulsuhan na kung maghi-hit sa TV. Pero sa pelikula ang hirap aniya. “You just try to do your best. Mahirap i-predict kung anong magki-click sa Pilipinas. Pero sana. Kasi very ano ngayon ‘yung moviegoing audience, very accommodating sila sa Filipino films,” sabi ni Direk sa aming interview.

Anyway, sa script pa lang daw ay alam na nila kung gaano kaganda ang kuwento ng Lolo and the Kid. In fact, nung nagso-shoot pa lang daw sila ay nag-iiyakan na sila.

“Actually, it was an overwhelming. Ang daming nagme-message sa akin. As in ang dami kong bagong friends sa Facebook.

“Sa script pa lang, we know it’s good. Kasi hindi papasa sa Netflix ‘pag ‘di maganda. Minsan lang magkaroon ng original Netflix. In a year, dalawa lang yata ginagawa nila.”

So deadma na sa bad reviews?

“Sa bad reviews? It’s good. Bad or good sabi nga, is still publicity. So I think it was good nga eh na some people na in a way, they didn’t like it. So other people got curious. Pinanood nila. Tapos nung napanood, nakakatawa nga kasi sila na ‘yung sumasagot doon sa ibang bad reviews. If you’ll read the bad reviews, ang daming sagot. Tapos puro positive parang hindi ka yata marunong tumingin ng pelikula eh. Nakakatawa. Parang may kanya-kanyang role naman ‘yung mga tao sa industry. You cannot please everyone. And sometimes, the people that you don’t please sometimes help even more doon sa project.”

Aniya, magandang senyales ito sa local movie industry na ibig sabihin ay nagtitiwala na uli sila at may pakialam na sa Filipino content.

“They’re realizing that, hindi we can, let’s put more money into making Filipino films. So sa akin, it’s not a solo. I think the more films that we make in Netflix na original, the better for us. Kasi it’s more job for everyone. And it’s good kasi ang ganda, ang dami nagre-review na... Pwede palang gumawa ng magandang pelikula ‘yung Filipino. Nakaka-flatter, nakakatuwa. Kasi parang, ay at least may tiwala sila,” sabi pa ni Direk.

Anyway, nabanggit nga niya kung paano nag-immerse sina LA and Kira.

“May kaibigan akong may canteen dun. Nag-ser­ver siya for one week. Si Kira nag-ano doon sa office ng grocery ng one week.

“Tapos sabi ko mag-MRT kayo papasok, huwag kayo magkotse. So naka-mask sila. Nag-i-MRT sila papasok nu’n for one week. Hindi ko alam pero ‘yun ang point ko dapat magkasama kayo pumunta kayo dun. Mag-MRT kayo, mag-jeep kayo. After that, may junk shop ako eh. Sabi ko, magpunta kayo sa junk shop. Magtrabaho kayo doon. Observe how people do it. Kasi iba ang lakad eh. Iba-iba ang lakad ng nagtatrabaho. Iba ang dala ng bag. ‘Yung araw-araw nag-MRT ka, iba ang dalang bag mo eh. Nakaganyan, naka gano’n. Sabi ko doon pa lang sablay na kayo. So kailangan dapat malaman n’yo paano kayo maglakad, paano kayo observe. So when you see them, very natural. Hindi ninyo sila makikita, [ang] makikita ninyo ‘yung character,” mahabang paliwanag niya sa character ng kanyang dalawang bida sa Maple Leaf Dreams. Ito ay produced ng 7K Entertainment PH, line produced by Lonewolf Films and distributed by Quantum Films.

GERALD ANDERSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with