Makatulong kaya sa problema sa Ayungin Shoal? I nuulan ng blessings si David Licauco.
Hindi pa man umeere ang bagong teleserye nila ni Barbie Forteza sa GMA 7 na Maging Sino Ka Man, na remake ng movie nina Sharon Cuneta and now Sen. Robin Padilla, at movie na partly shot in South Korea, ito at darating sa bansa ang Chinese movie and TV producers para i-finalize ang offer nilang drama series and movie sa Kapuso actor.
Ito ang kinumpirma ng manager niyang si Arnold Vegafria kahapon sa blessing and opening ng Blue Water Day Spa, New Estancia Mall Branch.
Probably, by September na raw ito maumpisahan ng actor dahil sa ngayon ay puno ang schedule nito.
Mga Chinese actress daw ang makakatrabaho rito ni David.
At ang airing nito sa China rin?
“All over Asia,” sabi ni Arnold.
Malaking factor aniya ang TikTok para mas makilala sa ibang bansa si David pagkatapos niyang gawin ang teleseryeng Maria Clara at Ibarra, ayon pa sa manager ng actor na present din sa nasabing event kahapon.
“Swinerte siya. ‘Di ba parang billions ang views niya sa TikTok.”
Ayon naman kay David excited na siya lalo na at marami pa siyang gustong gawing mga proyekto para mas marami pa siyang ma-inspire.
“I think when it comes to project, I still want to do so many roles.
“Of course, like Maging Sino Ka Man is my third na lead eh. So syempre as an actor and also I’m a go getter, gusto ko pa sanang maraming roles na magampanan,” paliwanag ng isa sa hottest actors sa kasalukuyan.
“But I think ang gusto kong ma-i feel like kasi sa simula gusto mo ang mga ganoong bagay eh… gusto mo nang fame, gusto mo nang money, gusto mong mas maraming projects para sa career mo. Pero I feel like as you grow older, you just want to inspire people naman,” seryosong pahayag ng actor na 6:00 a.m. pa lang kahapon ay hinihintay na ng kanyang fans sa Estancia Mall para lang makita siya in person sa nasabing blessing ng Blue Water Day Spa.
Dagdag niya “Siguro I feel like I haven’t used my platform enough to inspire people, so that’s (what) I want to do.”
Sa September na ang airing ng Maging Sino Ka Man.
Ayon kay David, ang alam niya, ang serye nila ni Barbie ang papalit sa iiwang timeslot ng Voltes V.
But anyway, hindi naman siguro makakaapekto ang tumitinding tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas, kung saan ay gumamit ang Chinese Coast Guard ng water cannon para harangan ang isang Philippine military supply boat na maghatid ng pagkain, gasolina at tubig sa mga tropa ng Pilipinas na nakabantay sa Ayungin Shoal, sa offer na ito kay David.
Samantala, kasama ng Pambansang Ginoo sa blessing and opening ng Blue Water Day sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez, Miss Grand Philippines 2023 Nikki De Moura, and Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.
Ang Blue Water Day Spa Estancia Mall Branch ay bukas mula 1 p.m. hanggang 10 p.m., Lunes hanggang Linggo (na may Tel. No. 0917- 8810092).
Bukas na rin ang Blue Water Day Spa BGC Branch na matatagpuan sa Ground Floor ng The Infinity Tower sa 25th Street, BGC.
Toni, nanganak na! Pero muntik nang operahan... ilang linggong pabalik-balik sa hospital
“Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived!,” bungad ni Direk Paul Soriano sa kanyang post kahapon.
“Born 2:05pm on August 11, 2023 at 6.8 lbs. Tin and Paulina are both doing great. Thank you for all your prayers and support. God bless you. #BabyGirl #GirlDad,” dagdag ni Presidential Adviser on Creative Communications na kasalukuyang on leave sa kanyang posisyon.
Ayon sa usap-usapan nahirapan nga raw si Toni na manganak.
More than two weeks din daw itong nagpabalik-balik sa hospital at isi-caesarian na raw sana pero na-keri naman daw na normal delivery.
Second baby ito nina Direk Paul and Toni.
Six years old na ang panganay nilang si Seve.