^

PSN Showbiz

Tito Sotto, nagsalita sa magiging title ng ‘Dabarkads’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Lalong tumitindi ang kuwento ng Eat Bulaga, na naging masalimuot nang umalis sina Tito, Vic and Joey sa TAPE, Inc. nung nakaraang linggo.

Lumabas na ang statement ng Mediaquest Holdings, Inc. na sa TV5 na mapapanood sina Tito, Vic, Joey kasama ang iba pang Dabarkads.

 “Mediaquest actually. Many platforms on cable and internet including TV5,” text ni former Sen. Tito Sotto sa akin.

Sinundan ko ng tanong kung kailan na sila magsisimula, at kung ano ang magiging title.

Totoo bang gagamitin nilang title ang Dabarkads.

“Eat Bulaga. We are working on it,” mabilis niyang sagot sa akin.

Hiningan ko nga agad ng reaksyon si Paolo Contis sa posibleng mangyari, “OMG” lang ang text niya sa akin.

Talagang nakakawindang ang gulong ito na nangyayari sa Philippine television.

Definitely, hindi rin ito akalain ng TVJ na ganito ang mangyayari pagkatapos nilang umalis ng TAPE, Inc.

Pero may mga nadadamay pa, dahil mukhang mauurong na nga raw sa hapon ang It’s Showtime, simula sa buwan ng July.

Wala pang sinasabi ang mga host ng It’s Showtime, pero ‘yun na nga ang nakakara­ting sa amin na posibleng mangyari.

Kahit napapanood sa tanghali ng live sa ibang istasyon, magkakaroon naman daw ng delayed telecast sa TV5.

Baka sa hapon daw ito ilalagay bago ang news program nilang Frontline.

Kaya may nakakarating pang kuwento sa amin na pinaghahandaan na rin daw ito ng GMA News and Public Affairs. 

Kasi baka mapalakas ng It’s Showtime ang hapon na timeslot ng TV5, puwedeng madamay pati ang Frontline. Kaya pinaghahandaan na raw ito ngayon ng 24 Oras.

Baguhang Aktres na si Yukii Takahashi, regular na sa batang quiapo!

Promising ang bagong talent na si Yukii Takahashi na ipinakilala ng Cornerstone Entertainment sa ilang entertainment press nung Martes ng hapon.

Touching ang story ni Yukii na pinili niyang tumigil na muna sa pag-aaral dahil gusto sana niyang tumuloy sa UST para kumuha ng Medicine.

Pero dahil hindi naman daw kaya ng magulang niya, pumasok na siya sa showbiz at mas mabuting ang kapatid na lang daw niya ang magpatuloy sa pag-aaral.

Nag-hit sa TikTok si Yukii at maganda ang pagpasok niya sa showbiz dahil sunud-sunod na ang mga ginagawa niyang projects.

Magiging regular na raw siya sa FPJ’s Batang Quiapo na kung saan nakaka-partner niya rito si McCoy de Leon.

Siya rin ang ka-partner ni Wilbert Ross sa Ang Lalaki sa Likod ng Profile, at regular na rin sa sitcom sa Net 25 na Ano’ng Meron Kay Abok?

Kasama rin si Yuki sa pelikula nina Carlo Aquino at Barbie Imperial ng Mavx Productions na I Love Lizzy, at sinundan pa sa Pangarap Kong Oscars ng naturang film production.

Kaya nag-decide na rin si Yukii na hindi na niya ipagpatuloy ang ambisyon niyang maging doktor.

“Sa study po, I feel like sobrang magiging matanda na ako nun if babalik man ako nun, kasi from what I know I’m gonna study for 13 years? Para matuloy ko ‘yung gusto ko in that industry.

“I feel like hindi na. Pero second option ko naman po talaga, after ng pagiging doktor is business. I think I will focus more on that, so I could really support my family especially my sister,” pahayag ni Yukii.

Na-enjoy na rin naman daw niya ang pag-aartista lalo na’t magagaling na artista ang mga nakakasama niya.

Sina McCoy pa lang daw ang nakakaeksena niya sa Batang Quia­po pero wish din daw sana niyang makasama ang mga magagaling na beteranong artista. “Hindi ko pa po nakaka-work ‘yung mga bigating artista natin dun. ‘Yung nakaka-work ko pa lang po si McCoy. Sobrang bait niya pong tao at ang dami ko pong natutunan sa kanila.

“Sa mga hindi ko pa po nakakatrabaho, siyempre, sina Miss Charo Santos po, si Ms. Cherry Pie (Picache), sobrang honored po and I’m so excited to work with them, to act with them and as well to learn a lot of things in the industry,” pakli ni Yukii.

Kakaibang experience naman daw sa kanya nang napasama siya sa Ang Pangarap Kong Oscars dahil ang dami raw niyang natutunan kina Paolo Contis at Joross Gamboa sa pagpapatawa.

“Grabe! Sobrang saya nilang katrabaho. Kasi, kahit behind the scenes nakakatawa talaga sila. And there are times pa nga na kahit ‘yung eksena simple lang, they make it sobrang nakakatawa. Parang they really put their heart into it ,” pakli pa ni Yukii.

vuukle comment

TAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with