^

PSN Showbiz

Yassi Pressman: Nag-sorry si Nadine Lustre sa epekto ng 'cheating' rumor

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
Yassi Pressman: Nag-sorry si Nadine Lustre sa epekto ng 'cheating' rumor
Litrato nina Nadine Lustre (kaliwa) at Yassi Pressman (kanan) noong Enero 2020.
(Mula sa Instagram account ni Yassi Pressman)

MANILA, Philippines —  Humingi raw ng tawad si Nadine Lustre sa kaibigan niyang si Yassi Pressman matapos muling kumalat ang isyu ng "pang-aahas" diumano ng kapatid ng huli na si Issa sa dating boyfriend ng nauna na si James Reid.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagho-holding hands at pagiging sweet nina Issa at James sa Instagram kasabay ng ginanap na concert ni Harry Styles sa Pilipinas. Enero 2020 nang unang pumutok ang balitang si Issa ang dahilan sa hiwalayan ng JaDine power couple.

"Sabi ko, 'Uy, girl, nagkaka-anxiety ako sa lahat ng mga tao.' She said, 'Sorry to hear that. I hope you're feeling better," wika niya sa katatapos lang na press conference ng "Kurdapya."

"Kasi 'yun po 'yung talagang totoong magkaibigan... Wala pong problema. Kami po ni Nadine, okay po kami."

Dati nang ipinatitigil nina Yassi at Nadine ang mga nagsa-cyberbully kay Issa kaugnay ng JaDine breakup, ito habang idinidiin sa netizens na hindi laging totoo ang mga nakikita online.

Idinidiin ngayon ni James na tsismis pa rin ang mga dati nang tsismis sa kanila ni Issa. Sa kabila nito, pinakamasaya raw ang actor ngayon at mukhang ito na raw ang "start of something beautiful."

"We've been friends [Nadine and I] ever since we were kids kaya naman, lahat po, okay po," dagdag ni Yassi.

"Tska ilang taon na rin po. Kaya ayon, sana everybody, let everyone be happy," wika ng aktres. 

Aminado naman si Yassi na gaya ng lahat, nagulat din siya nang tila i-"soft launch" nina James at Issa ang kanilang relasyon.

Sa kabila nito, hinahayaan na lang daw nila ang isa't isa lalo na't matanda na raw sila upang gumawa ng kani-kanilang desisyon.
 

vuukle comment

ISSA PRESSMAN

JAMES REID

NADINE LUSTRE

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with