^

PSN Showbiz

Bela, tinupad ang pangarap ng mga K-drama addict

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bela, tinupad ang pangarap ng mga K-drama addict
Bela Padilla

Ang makapagbasa ng libro na may magandang love story ay isa sa pinakamasarap na pakiramdam.

Sa bawat paglipat ng page, at pananabik sa susunod na chapter, gusto nating namnamin ang bawat salita nito.

Minsan, pinapangarap din natin na maging kasing ganda ng mga librong nababasa natin ang totoong buhay.

Ngayong April, isang kwentong dapat mabasa at mala­man ng lahat ang mapapanood na sa big screen, ang Yung Libro Sa Napanood Ko, simula ngayong April 8, 2023.

Mula sa panulat at direksyon ni Bela Padilla, official entry ito sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival.

Matapos makita ang libro na napanood sa Korean drama, na-inspire si Lisa (Bela Padilla) na magsulat ng libro at naging isang published writer.

Habang nasa book signing event, magkakaroon siya at ang Koreanong si Kim Gun Hoo (Yoo Min-gon) ng meet-cute moment matapos magpa-autograph at magpakita ng interes sa kanya.

Gagawan ng paraan ni Gun Hoo na magkita ulit sila ni Lisa, at ngayon ay inaya niya itong sumama sa kanya at bumisita sa South Korea.

Kahit na nagdadalawang-isip nung una, pumayag din si Lisa at sumama sa kanya.

Mag-iikot at gagala sila sa Korea at bibisitahin ang mga lugar na dati ay sa mga libro lang nababasa ni Lisa at napapanood sa TV at pelikula.

Mai-experience na kaya ni Lisa ang love story na akala niya ay sa mga pahina lang ng libro at sa mga palabas lang makikita?

Isang romance-drama movie ito with a special participation of Lorna Tolentino.

Mula sa Viva Films, magiging inspirasyon ito upang magkaroon ng pag-asa ang isang fairytale love story ng katotohanan.

Ang taas ng level of addiction ng mga Pinoy sa Koreanovela kaya inaasahang maraming manonood nito.

Anyway, tulad sa libro, masayang magbasa ng dyaryo. Iba ang pakiramdam kesa sa pagbabasa ng balita sa cellphone lang.

Happy 37th anniversary PSN.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with