^

PSN Showbiz

Vice at Marian, ini-enjoy ang datung!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vice at Marian, ini-enjoy ang datung!
Vice Ganda

Totoo ‘yung sinabi ni Vice Ganda na hayaan natin sila kung ano ang gusto nilang gawin dahil pera naman nila ‘yung ginagasta nila.

Wala rin tayong pakialam kung bumili ng mga Hermes bag ang mga artista ngayon dahil gusto nila.

Kaya sila nagtratrabaho dahil gusto nilang bumili ng mamahaling bagay, so be it. Kanya-kanya tayong trip sa buhay, basta hindi tayo ang hiningan ng pambili wala tayong karapatang magreklamo. Hitsurang milyones ang gastahin nila.

Kanya-kanyang hilig, like kahit pa nga ang yaman na, hindi mahilig sa alahas si Nanette Medved.

‘Yung kahit Mother Lily Monteverde siya, kung minsan sumasakay pa rin siya sa taxi.

Ganyan talaga, ibigay mo ‘yung hilig ng iba, pabayaan mo rin kung ano ang gusto nila.

Suwerte ka kung kagaya nila na may pera kang pambili ng P380K na aso tulad nila Vice Ganda or P25M na worth ng Hermes bag gaya ng nabalitang bagong gamit ni Marian Rivera. Ok lang, pera nila iyon.

Huwag nang gawan ng issue dahil lalo lang nakikita na talagang sa buhay may kaibahan ang mahirap sa mayaman.

Basta mangarap na lang, baka someday, malay mo, makuha mo ring bumili ng mga ganu’ng bagay.

Kasi ‘pag lahat ng mga taong gustong maging maligaya sa buhay ay binibigyan ng malisya ang mga gustong gawin, parang nakakaloka naman.

Ang pinakabongga, magtrabaho rin kayo. ‘Wag bantayan ang mga ‘achivement’ ng iba or happiness nila.

Kung gusto nilang bumili ng aso at bag na mamahalin, hayaan natin sila.

Iba-iba ang kaligayahan ng tao.

Tulad ko, happiness ko ang ‘dats.’ Hahaha. dats daw oh.

Kakaloka. Basta enjoy life at walang kanegahan.

Babu.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with