^

PSN Showbiz

James, sinisisi sa kapalpakan ni Liza!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
James, sinisisi sa kapalpakan ni Liza!
James Reid

Kung iisipin mo, kawawa rin naman si James Reid ngayon.

Siya ang nabubuntunan ng sisi sa mga palpak na statement ni Hope alyas Liza Soberano.

Ngayon sinusukat na nila ang lakas ni James kung kaya nga raw paangatin ang career ng female star. Pero kung iisipin kasalanan ba ni James iyon?

Nagtayo ng artists management firm si James Reid, na ang hahawak sana ay ang tatay niya. Natural lang na mag-recruit sila ng talents.

Iyong talents naman, aba dapat nilang pag-aralan kung ano ang kakayahan ni James bago sila magpa-recruit.

Kaya dapat ang una nilang inisip bago sila sumama, ano nga ba ang nangyari sa career ni James Reid, dahil natural iyong kanyang kakayahan ay makikita sa kanyang career.

Sa ngayon totoo naman, tagilid ang career ni James Reid. Simula noong umalis siya sa Viva ano nga ba ang naging malaking project niya?

Inaasahan niya ang isang malaking serye noon sa ABS-CBN, na hindi na rin naman natuloy nang mawalan ng prangkisa ang dating television network.

Nag-recording siya pero ni hindi pa namin naririnig ang kanyang kanta, mukhang sa internet lang iyon lumabas.

Pero isang bagay ang maliwanag, hindi kasalanan ni James Reid kung may sumama at nagpa-manage sa kanya. Kasalanan iyon ng artist kung walang mangyari sa career nila.

Patrick, pinabata ang edad noon

Minsan magugulat kayo sa napakabilis na takbo ng panahon.

Naalala pa namin kung gaano kasikat si Patrick Garcia noong panahon ng kanyang kabataan.

Pupunta iyan sa isang mall show, hahawiin lang ang medyo mahaba niyang buhok, magtitilian na ang fans. At basta kumanta siya, nagkamali man ay hindi pansin dahil sa lakas ng tilian ng kanyang fans.

Si Patrick ay nagsimula ng panibagong trend, pinabata niya ang edad ng matinee idols.

Nang mas lumaki naman si Patrick, nanatili siyang sikat dahil napatunayan niyang siya ay isang mahusay na actor, at ilang ulit nga ba siyang nanalo ng acting awards?

Medyo maudlot ang career niya dahil sa naging relasyon nila noon ni Jennylyn Mercado, na nabuntis, nagkaanak sila.

Nagkaroon ng controversy at para maiwasan na muna ang hindi magagandang usapan, nag-abroad si Patrick noon.

Nang magkabalik siya sa Pilipinas, hindi rin naman siya masyadong aktibo sa show business, at tapos ay pinakasalan niya ang girlfriend niyang si Nikka Martinez, kung kanino mayroon na siya ngayong apat na anak.

Paminsan-minsan lumalabas pa rin naman si Patrick, pero hindi na nga kagaya ng dati, siguro may iba siyang inaasikaso para sa kanyang pamilya.

Pero ang nakagulat sa amin ay ang kanyang pagbati sa kanyang asawang si Nikka, dahil walong taon na pala silang nagsasama bilang mag-asawa.

Ang bilis talaga ng panahon at minsan maiisip mong sa bilis ng takbo ng panahon, kung hindi ka alisto ay maiiwanan ka.

Sabi ni Patrick kay Nikka, “hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko kung wala ka.”

Sana humaba pa ang kanilang pagsasama ng marami pang taon.

Ganito rin ang wish namin sa 37th ng Pilipino Star NGAYON.

Magugulat na ganun na pala ito katagal na kahit nga malakas ang social media sa kasalukuyan, nanatiling matatag ang PSNgayon dahil sa kredibilidad at lakas ng mga istorya na dito lang nababasa.

Happy anniversary, PSN.

Aktor, may trauma sa network exec

Sinasabi ng isang male star na dumanas daw siya ng matinding trauma dahil sa pagpapa-power trip ng isang executive ng isang network na “ayaw sa kanya.”

Kahit na raw inilalagay na siya sa shows, inaalis ng executive ang pangalan niya. Hindi naman daw niya alam ang dahilan ng galit noon sa kanya.

Nagsumbong daw siya sa management pero kinampihan pa rin ng mga iyon ang executive.

Hindi namin kinukuwestiyon kung totoo o hindi ang kanyang kuwento. Ang tanong, ilalabas kaya niya ang kuwentong iyan kung ang executive ay nasa puwesto pa at ang network ay may prangkisa?

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with