Babaeng store owner niratrat sa Rizal, dedo!

MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng store owner nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa Taytay, Rizal kamakalawa ng hapon.
Kinilala lang ang biktima sa alyas na “Ana”, 55, negosyante, ng Brgy. San Juan, Taytay.
Bigo naman ang mga testigo na makilala ang nakatakas na mga suspek dahil sa suot nilang itim na helmet.
Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa J.P. Rizal St., Rizal TechnoPark, sa Brgy. San Juan. Naglalakad lamang umanong mag-isa ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lang hintuan ng mga salarin at kaagad na pinagbabaril ng backrider bago mabilis na tumakas lulan ng ‘di naplakahang motorsiklo.
Naisugod pa sa Taytay Emergency Hospital ang biktima ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.
- Latest