3 ‘abortionist’ huli sa entrapment sa Cebu

MANILA, Philippines — Arestado sa entrapment operation ng mga tauhan ng Police Regional Office 7 (PRO7) ang tatlong indibiduwal na sinasabing sangkot sa insidente ng abortion sa Liloan, Cebu nitong Hunyo 13.
Batay sa report na tinanggap ni PRO7 Director PBrig. Gen. Redrico A. Maranan, nakatanggap sila ng impormasyon na may isinagawang intentional abortion kung saan dalawang patay na fetus ang natagpuan nitong Hunyo 13.
Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ni Maranan at natukoy ang mga nasa likod ng insidente.
Ikinasa ang joint entrapment operation nitong Hunyo 19 ng pinasani. Na puwersa ng RSPU7, RID7, CMFC Cebu City, at Mabolo Police Station sa isang lodging house sa North Reclamation Area, Barangay Carreta, Cebu City.
Huli sa akto ang tatlong suspek na hindi na pinangalanan habang nakumpiska naman ang ilang gamit kabilang ang Cytotec tablets na isang uri ng abortion pill, mga antibiotics, surgical tools, gloves, towels, lubricants, antiseptics, flashlights, at marked money na ibinayad sa operasyon.
“Nananawagan tayo doon sa mga naging biktima nitong sindikato na ito at nang grupo na ito na to come out in the open. Makipag-ugnayan tayo sa Cebu City Police Office. Kung sa tingin ninyo ay na-violate ang inyong karapatan o kayo ay naging biktima ng grupong ito, you can come out and file a complaint against these people,” ani Maranan.
- Latest