P204 milyong shabu sa maleta nadiskubre s vacant lot

CAVITE, Philippines — Nasa 30 kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000,000 ang nadiskubre sa loob ng isang maleta na inabandona malapit sa isang bakanteng lote sa Barangay Sabang, Naic, dito sa lalawigan, kahapon.
Ang hinihinalang shabu na nasa 30 pakete na nakasilid sa suit case ay nadiskubre ng isang security guard ng Visayas Saz Agency sa may Friendship Road dakong alas-2:10 ng madaling-araw, ayon kay Cavite Police Spokesperson P/Captain Michelle Bastawang.
Nabatid na binuksan ng guwardiya ang malaking maleta na kulay berde at nagulantang sa natuklasan na naglalaman ito ng hinihinalang shabu.
Agad nitong ipinagbigay alam sa mga pulis na nagsasagawa ng “Oplan Patrulyang Magilas” sa nasabing lugar.
Nang inspeksyunin ang lugar, nadiskubre ng mga pulis ang nakakabit na surveillance camera malapit sa isang konkretong poste kung saan nakatutok ito sa malate na may shabu.
Hinihinala ng pulisya na ang natagpuang malate ay bahagi sa bagong modus operandi ng mga drug syndicate sa tinawag na “dead-dropped scheme” na may posibilidad na may isang taong pi-pickup nito sa naturang lugar.
- Latest