Sekyu, live-in partner, niratrat ng 81-anyos
CAVITE, Philippines — Kapwa inoobserbahan sa pagamutan ang isang security guard at kinakasama nito makaraang pagbabarilin ng isang 81-anyos na suspek, kamakalawa ng hapon sa Brgy Zambal Tagaytay City.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina alyas “Felix”, security guard, nasa hustong gulang at alyas “Meann”, 51-anyos kapwa ng Brgy Zambal ng nasabing lungsod.
Naaresto naman sa follow-up ng pulisya ang suspek na kinilala sa alyas na Pastor, 81-anyos, residente rin ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:50 ng hapon ng maganap ang pangyayari kung saan nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima ng dumating ang suspek na armado ng maiksing baril at walang sabi sabing pinagbabaril ang mga biktima.
Malamang umanong ang lalaking biktima lamang ang target nito at nadamay lang ang kinakasama ng huli.
Agad namang naitakbo sa Tagaytay Medical Center ang mga biktima at kasalukuyan pa ring inoobserbahan.
- Latest