^

Probinsiya

2 todas sa pamamaril sa Laguna at Quezon

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 todas sa pamamaril sa Laguna at Quezon
Sa ulat, ang 68-anyos na si alyas “Vin” kasama ang kanyang anak na babae ay kakauwi lamang nang barilin siya ng nag-iisang gunman sa tiyan sa harap ng kanilang tirahan sa Lakeville 2, Barangay Sinalhan, Sta. Rosa City bandang alas-11 ng umaga.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay ang dalawang katao kabilang ang isang sexagenarian sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Laguna at Quezon nitong Biyernes.

Sa ulat, ang 68-anyos na si alyas “Vin” kasama ang kanyang anak na babae ay kakauwi lamang nang barilin siya ng nag-iisang gunman sa tiyan sa harap ng kanilang tirahan sa Lakeville 2, Barangay Sinalhan, Sta. Rosa City bandang alas-11 ng umaga.

Tumakas ang salarin kasama ang kanyang kasabwat patungo sa Poblacion sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sinabi ng pulisya na isang alyas “Pido” ang ikinokonsidera bilang person of interest sa krimen.

Sa Quezon, habang naglalaba ng mga damit ang isang 33-anyos na trabahador na si alyas “Glenn” sa labas ng kanilang bahay nang biglang dumating ang dalawang suspek at agad siyang binaril sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, nitong Biyernes dakong alas-10 ng gabi na sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinabi ng pulisya na si Glenn na kalalabas lang ng detention, ay kilalang tulak ng droga sa lugar at suspek sa serye ng mga insidente ng pagnanakaw sa Lucena City, Quezon.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with