State of calamity sa Samar, Leyte idineklara ni Pangulong Marcos

Sa rehab ng San Juanico Bridge
MANILA, Philippines — Para mapabilis ang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng San Juanico Bridge at mapagaan ang epekto nito sa mga residente ng Samar at Leyte, nagdeklara ng state of calamity si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Base sa Proclamation No. 920 ng Pangulo, nagsimula ang state of calamity noong Hunyo 5 at maaari itong maaalis agad o mapalawig pa depende sa sitwasyon.
Ang proklamasyon ay base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magdeklara ng state of calamity sa Region VII dahil sa nakompromisong kalagayan ng San Juanico bridge.
“There is hereby declared a state of calamity in Region VII (Eastern Visayas) on account of escalating risks caused by significant compromises in San Juanico Bridge, for one year beginning this date, unless earlier lifted or extended as circumstances may warrant,” nakasaad sa proclamation.
Sa ilalim ng proklamasyon ay inatasan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makipag-ugnayan sa local government units upang mapabilis ang lahat ng mga hakbang na kailangan sa pagkumpuni at ganap na rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.
Inatasan din ng Pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na tulungan ang DPWH sa pagtukoy ng mapagkukunan ng pondo upang masuportahan ang rehabilitasyon ng nasabing tulay.
Giit ng Pangulo, may pangangailangang isailalim sa rehabilitasyon ang San Juanico Bridge upang masiguro ang napapanahong paghahatid ng mahalagang kalakal at serbisyo at maibalik ang kilos sa rehiyon.
- Latest