^

Probinsiya

2 trader timbog sa 21 kilong marijuana

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 trader timbog sa 21 kilong marijuana
Cannabis plant.
Image by 7raysmarketing from Pixabay

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 21 kilong marijuana kasabay ng pagkakahuli sa dalawang “tulak” na ­negosyante sa isinagawang sting operation sa Brgy. Betag, La Trinidad, Benguet nitong Lunes.

Sa imbestigasyon nasa edad 31 at 44 ang mga suspek mula sa Kibungan at La Trinidad, pawang sa Benguet

Nabatid na nakatanggap ng tip ang mga awtoridad kaugnay sa pagtutulak ng dalawang suspek kaya agad na ikinasa ng PDEA-Cordillera Land Transportation Interdiction Unit, Regional Special Enforcement Team at PNP Cordillera ang buy-bust operation. 

Narekober sa dalawa ang nasa 21 kilo o 21 piraso ng tubular na pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P560,000.

Kinumpiska rin ang isang Tamaraw FX na gamit ng mga suspek sa kanilang ilegal na transaksyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

MARIJUANA

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with