^

Probinsiya

Dalagita pinatay sa sakal, mukha winasak!

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Dalagita pinatay sa sakal, mukha winasak!
Wasak ang mukha at halos hindi na makilala ang biktima na itinago sa pangalang “Angie”, residente ng nasabing lugar at unang iniulat na nawawala ng ilang araw. 
File

Binalot ng tarp, itinapon sa tulay...

CAVITE, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 15-anyos na dalagitang estudyante matapos na matagpuang wasak ang mukha, habang nakabalot sa tarpaulin ang bangkay nito at itinapon sa ilalim ng tulay, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Fatima 1, Dasmariñas City.

Wasak ang mukha at halos hindi na makilala ang biktima na itinago sa pangalang “Angie”, residente ng nasabing lugar at unang iniulat na nawawala ng ilang araw. 

Sa paunang ulat ng Dasmariñas City Police, alas-7:20 ng gabi nang matagpuan ang katawan ng biktima sa may ilog at ilalim ng Fatima Bridge na nakabalot umano sa isang tarpaulin.

Sa pagsisiysat ng pulisya, pinatay ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang isang tela. Wasak din ang mukha ng dalagita na hinihinalang binagsakan o hinataw ng matigas na bagay.

Sa follow-up operation ng pulisya, nakilala ang suspek sa ­pangalang alyas Christian na kasalukuyan pa ring pinag­hahanap.

Ayon pa sa pulisya, ang nasabing suspek ay dati nang nakulong sa kasong paglabag sa Alarms and Scandal, ­Disobedience, at paglabag sa RA 9165 noong August 26, 2017.

Inaalam pa kung nagahasa ang biktima.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with