^

Probinsiya

Mister patay sa 10-wheeler, anak malubha!

Pilipino Star Ngayon
Mister patay sa 10-wheeler, anak malubha!
Cotabato Map.
Google Earth

Sa araw ng libing ng misis...

COTABATO CITY, Philippines — Tuluyang naulila ng lubusan ang dalawang menor-de-edad nang mamatay ang kanilang ama na isang government employee sa aksidente sa mismong araw ng libing ng kanilang ina sa Matalam, Cotabato nitong Sabado.

Sa ulat ng mga opis­yal ng Cotabato Provincial Police Office, minamaneho ni Junifel Conel, Sr. ang kanilang Mitsubishi Adventure, patungo sana sa isang purified water refilling station sa Barangay Kilada sa Matalam nang mawalan siya ng kontrol ng sasakyan kaya lumihis ito at nasalpok ang isang Isuzu 10-wheeler truck na nakaparada sa gilid ng highway.

Namatay si Conel, kawani ng Cotabato Provincial Engineer’s Office, sa aksidenteng naganap umaga ng Sabado habang malubha naman kanyang anak na si Junifel, Jr. na kanyang kasama sa kanilang nawasak na sasakyan.

Nagtamo rin ng mga sugat at pasa sa katawan ang driver ng truck na si Ryan Puno Osumo­ na agad namang nagpakustodiya sa mga kasapi ng Matalam Municipal Police Station na nagresponde sa insidente.

Ayon sa mga kamag-anak at mga barangay officials sa Matalam, posibleng dahil sa puyat si Conel sa huling gabi, nitong Biyernes, ng lamay para sa kanyang misis na takdang ilibing kinabukasan kaya naka­tulog sa pagmamaneho na nagresulta sa aksidenteng nagsanhi ng kanyang kamatayan.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with