Ginang pinatay sa kalsada ng dyowa

SARIAYA, Quezon, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 40-anyos na ginang nang saksakin ng kanyang ka-live-in-sa gilid ng kalye naganap,kamakalawa ng hapon sa Quezon Avenue, Barangay Poblacion 5 ng bayang ito.
Ang biktima na nasawi dahil sa mga tinamong saksak sa likod ay kinilalang si “Anna”, 40, residente ng Barangay Janagdong 2, samantalang tugis na ang suspek na ka-live in na kinilalang si “Ian”, 38, residente ng nasabi ring lugar.
Sa imbestigasyon ni P/Staff Master Sergeant Dennis Norbe, bago nangyari ang krimen, alas-2:40 ng hapon ay dalawang oras na nakatayo ang biktima sa gilid ng kalye at hinihintay ang pagdating ng suspek.
Ilang minute ang nakalipas ay dumating ang suspek na sakay na kung saan ay nag-usap ang mga ito.
Ilang sandali ay nagkaroon na ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa talikuran ng biktima ang suspek para umiwas na.
Subalit sa kanyang pagtalikod ay dito na siya inatado ng saksak at pagbagsak ay sumakay ang suspek sa kanyang motorsiklo at tumakas.
Nadala pa ng mga bystander ang biktima sa Greg Hospital subalit idineklara ng mga manggagamot na dead-on-arrival.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang motibo sa krimen kasabay ng pagtugis sa suspek na sinampahan na ng kaukulang kaso.
- Latest