339 cargo trucks, 4K katao stranded sa Bicol
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umaabot na sa 339 rolling cargo o cargo trucks na patungong Visayas at Mindanao regions na halos dalawang kilometro nang nakapila sa labas ng mga pantalan at highways ng Kabikolan habang halos 4,000 pasahero ang stranded sa mga ports matapos na ipagbawal ang pagdaan ng mga sasakyang may bigat na 3-tonelada dulot ng pagkasira ng San Juanico Bridge.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG)-District Bicol commander Commodore Ivan Roldan, base sa hawak nilang datos kamakalawa ay nasa 339 rolling cargo na palabas ng Matnog Port sa Matnog, Sorsogon at Pio Duran Port sa Pio Duran, Albay ang nakapila sa Maharlika National Highway at iba pang pangunahing kalsada maliban pa sa 1,727 na pasaherong stranded.
Ang inbound cargo trucks mula sa iba’t ibang pantalan na naghihintay na makasakay ng barko patawid ng karagatan patungo sa Matnog Port at Pio Duran Port ay nasa 299, habang ang papasok na mga pasahero sa Bicol ay umaabot sa 2,183.
Sinabi ni Roldan na nag-deploy na siya ng karagdagang mga tauhan sa iba’t ibang pantalan upang magbantay sa seguridad at kaayusan ng mga patawid na pasahero at sasakyan.
- Latest