Mayor, misis timbog sa pagpatay sa vice mayor!

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad nitong Martes ang isang Mayor at misis nito kaugnay ng naganap na pananambang at pagkakapatay sa isang bise alkalde at bodyguard nito habang sugatan naman ang misis at anak ng target sa naganap na ambush noong 2024 sa Maguindanao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Kinumpirma ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group si Mayor Reynalbert Insular at misis niyang si Janet ay kusang nagpaaresto sa Brgy. Making, Parang, Maguindanao del Norte sa bisa ng warrant of arrest laban sa kanila mula sa Regional Trial Court Branch 27 sa Cotabato City, may petsang May 19, 2025.
Ang mag-asawa ay nanaharap sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder kaugnay ng naganap na pananambang kay Vice Mayor Roldan Benito sa Brgy. Pandan, South Upi ng lalawigan noong August 2, 2024.
Nasawi sa ambush si Benito at kasamang etnikong Teduray na si Weng Marcos habang sugatan ang kanyang misis na si Analyn at estudyanteng si Joseph Mutia sa naturang insidente na naganap sa Barangay Pandan, South Upi.
Nabatid na si Insular ay nagwagi bilang bise alkalde sa katatapos na halalan noong Mayo 12 habang natalo naman sa mayoralty race ang misis nito.
Ang mag-asawa ay isinailalim sa kustodya ng CIDG-BARMM kaugnay ng kasong kanilang kinakaharap.
Itinakda naman ng korte ang P200,000 piyansa sa bawat isang kaso ng frustrated murder at P120,000 naman sa kasong attempted murder habang wala namang inirekomendang piyansa sa dalawang counts ng murder.
Nahalal na vice mayor nitong May 12, 2025 elections ng South Upi si Insular na nasa pangatlong termino na ng pagka-mayor.
- Latest