^

Probinsiya

PRO5 cops naghahanda vs kalamidad

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
PRO5 cops naghahanda vs kalamidad
Kahapon ay personal na ininspeksyon ni regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang mga tauhan na nakatalaga sa disaster response pati ang mga equipment na gagamitin sa search and rescue operation na inilatag sa malawak na parade ground ng Camp Gen. Simeon Ola sa lungsod na ito.
STAR / Edd Gumban / File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines —  Ipinakita kahapon ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang kanilang pakikiisa sa Camp Crame sa ginawang maagang paghahanda ng mga assets, equipment hanggang sa bi­nuong mga police disaster response personnel upang labanan ang ibat-ibang uri ng kalamidad na posibleng tatama sa buong rehiyon.

Kahapon ay personal na ininspeksyon ni regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang mga tauhan na nakatalaga sa disaster response pati ang mga equipment na gagamitin sa search and rescue operation na inilatag sa malawak na parade ground ng Camp Gen. Simeon Ola sa lungsod na ito.

Maliban sa 483 pulis mula sa regional headquarters na nakatalaga para sa disaster res­ponse, may 187 contingency personnel pa ang mula sa iba’t ibang units.

Ininpeksyon din ni Dizon ang mga SAR vehicles, desalination machines, man trucks, mga ambulansya, rubber boats at snipping dogs na gagamitin.

Ayon sa opisyal, ang paghahanda ng regional headquarters ay ginagawa rin ng anim na Police Provincial Offices kasama na ang Naga City Police dahil papalapit na naman ang panahon ng kalamidad.

Ang Kabikolan ay sentro umano ng complex disaster gaya ng pagputok ng bulkan, malalakas na bagyo, landslide, baha, daluyong at iba pa. Mahigit sa isandaang pulis mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang ilang araw na sumailalim pa sa water search and rescue training ng Philippine Coast Guard District-Bicol.

PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with