74-anyos Israeli na ‘suki’ ng resort nalunod
MANILA, Philippines — Isang 74-anyos na Israeli national ang nasawi makaraang aksidenteng malunod sa karagatang sakop ng Brgy. Matanggo sa Almeria, Biliran nitong Martes.
Ang biktima na hindi tinukoy ang pangalan sa ulat ay naka-billet ang isang turista sa Soyin Beach Resort sa Brgy. Talahid, Almeria.
Sa ulat ng Biliran Police, nabatid na ang biktima ay regular na kustomer sa Soyin Resort simula pa noong 2016 na pabalik-balik sa bansa.
Sa pahayag ng mga staff, tumutuloy ang Israeli sa nasabing resort na nanatili dito ng ilang buwan saka babalik muli sa Israel.
Nabatid na regular ding naliligo sa dagat ang dayuhan at bumabalik sa kaniyang silid dakong alas-4 ng hapon.
Gayunman ng nasabing araw ay nabigong makabalik sa kaniyang tinutuluyang silid ang matanda kaya napilitan na silang humingi ng tulong sa Philippine Coast Guard-Biliran.
Narekober naman ng mga lokal na mangingisda ang bangkay ng dayuhan matapos itong lumutang sa dagat na agad itinurnover sa mga awtoridad.
- Latest