^

Probinsiya

3 truck nagkarambola: Driver dedo, 4 pa sugatan!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 truck nagkarambola: Driver dedo, 4 pa sugatan!
Ayon sa imbestigasyon ng Atimonan Police, patungong Bicol Region ang isang truck habang nasa kabilang linya naman papuntang northbound o Manila ang dalawa pang truck.
STAR/File

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Patay ang isang driver at apat na iba pa ang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong deli­very truck sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Balibad sa bayang ito kamakalawa.

Ayon sa imbestigasyon ng Atimonan Police, patungong Bicol Region ang isang truck habang nasa kabilang linya naman papuntang northbound o Manila ang dalawa pang truck.

Nawalan umano ng kontrol ang truck na papuntang Bicol at sinalpok ang paparating na dalawang truck sa kabilang linya.

Dahil sa lakas ng impact, dalawang driver ng truck ang naipit sa kanilang kinauupuan.

Inabot ng mahigit apat na oras bago maialis ng mga rescuers ang mga biktima sanhi ng pagkakaipit sa loob ng truck.

Dinala naman agad sila sa ospital para gamutin subalit sa kasamaang palad ay isa sa mga naipit na driver na nakilalang si alyas “Brandon” ang idineklarang dead-on-arrival sa Dona Martha Hospital.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with