^

Probinsiya

Asong Siberian Husky dinos-por-dos ng tserman, utas!

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa pagkagat sa alagang manok

MANILA, Philippines — Tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang isang barangay chairman at dalawang tanod matapos akusahan sa pagpatay sa isang asong Siberian Husky na kanilang ikinulong sa “dog found” ng Brgy. Bungahan sa Cuenca, Batangas.

Sa ulat ng Batangas Police, ang mga suspect ay tinukoy lamang sa pangalang “Elmer”, 50, chairman sa nasabing barangay at ang mga tanod na sina ‘Edison’ at ‘Rodolfo’.

Base sa imbestigas­yon, noong Mayo 17 ay nakawala sa kulungan ang nasabing Siberian Husky na pumasok sa compound ng tahanan ni Elmer at kinagat ang alaga nitong tandang na manok.

Ang insidente ay nakita ni Tserman Elmer kung kaya kumuha siya ng dos-por-dos, isang matigas na kahoy at pinagpupukpok sa ulo ang aso para mabitawan nito ang kagat-kagat na manok.

Samantala, matapos ito ay dinala ang sugatang aso sa “dog pound” sa nasabing Barangay para dito muna ito manatili. Pinuntahan naman ng mga barangay tanod ang may-ari ng aso na tinukoy sa pangalang ‘Alma’ at ipinabatid rito na kunin na ang bangkay ng kanyang aso sa Barangay dog pound.

Bunsod nito, ini-report ni Alma ang insidente sa pulisya at sinamahan ito sa veterinarian na sinuri ang aso at dito’y nabatid na namatay ito matapos hatawin ng maraming beses ng matigas na bagay.

Sinasabing “blunt trauma” sa kaliwang bahagi ng ulo at mata ang naging sanhi ng matinding hemorrhage at proptosis sa may mata ng aso na siyang naging sanhi ng kamatayan nito.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10631 o ang Philippine Animal Welfare Act of 2013 ang nasabing tserman at dalawang tanod.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with