^

Probinsiya

3 bahay inararo ng truck: Mag-asawa, beybi patay!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 bahay inararo ng truck: Mag-asawa, beybi patay!
Mapa ng Zamboanga.
Google Maps, file

MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawa at 4-buwang gulang nilang anak nang araruhin ng truck ang tatlong kabahayan habang mahimbing na natutulog ang mga residente sa Siayan, Zamboanga del Norte, ayon sa ulat nitong Sabado ng hapon.

Masuwerte namang nakaligtas bagama’t sugatan ang isa pang anak na 9-taong gulang at kaniyang lolo.

Sinabi sa ulat na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck kaya nagtuloy-tuloy sa tatlong bahay na magkakatabi.

“According sa driver, nawalan ng brake ‘yung truck. Pagkatapos, bumangga ‘yung truck sa mga bahay na malapit doon sa daanan,” ani Siayan Police Traffic investigator Ranfel Montanez, sa panayam ng Frontline ng News 5.

Galos lamang ang natamo ng sangkot na driver at kaniyang kapalitan sa pagmamaneho matapos makatalon mula sa truck.

Nasa kustodiya na ng Siayan Police ang driver habang ang operator na may-ari ng truck ay nakikipag-ugnayan sa mga kaanak ng mga biktima.

Nabatid na patungo sa Liloy, Zamboanga ang truck na may lulang mga motorsiklo upang ideliber na nagmula sa Cagayan De Oro nang maganap ang trahedya.

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with