^

Probinsiya

Lalaki tepok sa sunog sa Batangas

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Lalaki tepok sa sunog sa Batangas
Kinilala ang nasawi na si Edison Magnaye, residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

BATANGAS , Philippines – Isang 56-anyos na lalaki ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay Cupang, Bauan, lalawigang ito, Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Edison Magnaye, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, nilamon ng napakala­king apoy ang dalawang palapag na bahay na pagmamay-ari ng isang alyas “Mariafe”, 59 na taong gulang.

Bandang alas-9:50 ng umaga nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay pero hindi pa matukoy ang dahilan nito.

Sinubukan pa umanong isalba ng biktima ang ilang mga gamit pero nahirapan siyang huminga dahil sa kapal ng usok sa loob ng buong kabahayan. Itinakbo pa siya sa Bauan Doctors Gene­ral Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Nathaniel Wong dahil umano sa atake sa puso.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring sunog.

MAGNAYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with