^

Probinsiya

Bangkay ng babae, lalaki natagpuan sa Rizal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bangkay ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Pililla at Baras, Rizal, Biyernes ng umaga.

Unang nadiskubre ang bangkay ng isang babae na kinilalang si Asia Vense, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Bagumbayan, Barangay Quisao, Pililla.

Sa ulat ng Pililla Municipal Police, alas-3:00 ng madaling araw nang mapansin ng isang residente  ng Pililla-Jalajala Road, sa Brgy. Sitio ang nakahandusay na babae malapit sa kanyang bahay at agad na ini-report sa pulisya. Isa namang kamag-anak ang kumilala sa biktima.

Dakong alas-5:40 ng umaga ng parehong araw nang madiskubre rin ang bangkay ng ‘di pa kilalang lalaki na inilarawang nasa 30-40-anyos, nakasuot ng helmet, gray with stripe na jogging pants, gray jacket at dilaw na tsinelas.

Sa ulat ng Baras Municipal Police, tinungo nina P/Captain Clifford Bassig at duty investigator ang ini-report ng concerned citizen at nadatnan na nakabulagta ang lalaki sa gilid ng Manila East Road sa harapan ng BTONE sa Brgy. Concepcion, Baras. Nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng bala at isang live ammunition.

ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with