Warehouse, 2 bahay nasunogsa Batangas; P340 milyon naabo

BATANGAS, Philippines — Isang warehouse ang nilamon ng apoy na ikinadamay ng dalawang katabing bahay sanhi ng pagkatupok ng umaabot sa P340-milyon na halaga ng mga ari-arian sa bayan ng Tuy, dito sa lalawigan, Biyernes ng umaga.
Ayon kay Senior Supt. Dennis Molo, Provincial Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Batangas, nagsimula ang sunog alas-10:45 ng umaga at naideklarang fire under control bandang alas-11:40 ng umaga ng Sabado na naganap sa Barangay Guinhawa, nasabing bayan.
Natupok ng apoy ang open warehouse na pag-aari ng Philippine Fiber Optic Cable Network kung saan naglalaman ito ng cable at PVC materials.
Dalawang kabahayan ang nadamay sa nasabing sunog.
Mahigit 15 fire trucks mula sa Batangas, Cavite at volunteer firefighters mula sa Metro Manila ang rumesponde sa naturang sunog.
Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng sunog. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.
- Latest