^

Probinsiya

Ex-ARMM regional governor, Basilan governor na

Pilipino Star Ngayon
Ex-ARMM regional governor, Basilan governor na
Naproklamang elected governor ng ­Basilan nitong Miyerkules ang kongresista sa pro­binsya na si Mujiv Hataman (pangalawa mula sa kaliwa), dating regional governor ng nabuwag ng Autonomous Region in ­Muslim Mindanao (ARMM).
John Unson

MANILA, Philippines — Iprinoklamang provincial governor ng Basilan si Congressman Mujiv Hataman matapos na mahalal sa naturang puwesto nitong May 12, 2025 elections.

Si Hataman, incumbent congressional representative ng Basilan, ay na-proklamang wagi sa kanyang kandidatura sa pagka-governor ng probinsya ng mga kinatawan ng Commission on Elections at mga kasapi ng provincial board of canvassers sa kapitolyo ng Basilan nitong Miyerkules.

Naging regional ­governor ng dalawang termino si Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na nabuwag at napalitan nitong 2019 ng mas makapangyarihang ­Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao batay sa ­kasunduang pangkapayapaan ng Malacañang at ng Moro Islamic Liberation Front.

Kinumpirma nitong Biyernes ni Atty. Ray Sumalipao, regional director sa BARMM ng Commission on Elections, na tinalo ni Hataman sa gubernatorial race sa Basilan ang kanyang pamangkin na si Jay Salliman.

Nahalal din bilang vice governor ng Basilan ang ngayon ay third termer na si Governor Hadjiman Salliman.

Ang kabiyak ni Hataman na mayor ng ­Isabela City sa Basilan na si Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay na-reelect din na ­mayor ng naturang ­lungsod. (John Unson)

CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with